Potion Of Love - 40 Chapter 39
Library

40 Chapter 39

NIXON'S POV

Mukha ni Klea ang nakita ko nang ipikit ko ang  aking mga mata. Bahagya kong itinulak si Clarissa palayo sa akin.

"H-indi mo ba na gustuhan?" nahihiya nitong tanong.

"Clarissa, anong ginawa mo? Magkaibigan tayo." lumunok siya.

"Ayoko nang maging kaibigan ka Nixon. Gusto kita, ngayon ko lang talaga na realize na gusto kita. ayaw mo ba sa akin?" malungkot niyang tanong.

"Hindi sa ganoon..." kinuha ko ang cellphone dahil kanina ko pa naririnig tumutunog ito.

Inisisa ko ang mga message niya pero mas napukaw ang tingin ko sa isang message niya sa akin.

"Sorry, Nixon. Hindi na ko nakabot sa bahay nila Clarissa. Sumama na talaga yung pakiramdam ko. Sorry talaga, kung gusto nyo kayo na lang dalawa. Total naman may pag-uusapan kayo 'di ba? By the way salamat pala sa pag-invite mo sa akin. Sayang lang mas na surprise ako sa ginawa mo. :)"

Natulala ako sa cellphone ,sunod ay tumingin kay Clarissa. Posible kayang---- hindi- hindi naman siguro. Muli kong binasa ang Ikalaw.a.n.g message niya bago ang huli.

""Papasok na ko. Ako na bahala mag-surprise sa kanya hihi :)" halos maibalibag ko ang cellphone na hawak ko.

Sinasabi ko na nga ba, malamang narinig niya lahat ng usapan namin at ang ginawa ni Clarissa sa akin. Hala, bakit ganoon? Ba't ako nasasaktan? Bakit feeling ko nasaktan ko ng husto si Klea.

"May problema ba?" usisa niya sa'kin. Tumayo ako ng maayos.

"Sa susunod na lang tayo lumabas. May message si Daddy sa'kin."

"Ano yun?"

"Sa trabaho niya,"

"Wala ba ibang pwede gumawa nyan?" inis niyang tanong.

"Wala, ako lang. Ako lang ang pwede gumawa nito." makahulugan kong sagot.

"Oh siya. Sige, magkita na lang tayo bukas. Unang practice natin para sa graduation." nagsasalita pa ito ng tumingin ako sa Cellphone.

"Ah Nixon?" tumingin ako. "Wag ka sana maiilang ah? Yung dati pa rin sana." Marahan akong tumango bago siya yakapin.

Nagpaalam na ko dahil may gusto lang sana akong k.u.mpirmahin mula kay Klea. Wala na rin naman gaano traffic kaya na gawa kong marating ang bahay nila ng walang kahirap-hirap. Malalakas na katok ang ginawa ko sa pintuan nila. De bale na magalit sa akin si Ma'am Faustino basta makita ko lang siya. Inaasahan kong si Ma'am o Klea ang bubungad sa akin pero isang malaking ekis ito.

"Anong ginagawa mo rito?" mapanuya niyang tanong.

"Si Klea, gusto ko siya makusap." Sumandal siya sa hamba ng pintuan.

"Nagpapahinga na siya. Ano ba kailangan mo?"

"Gusto ko siyang kausapin,"

"Tungkol saan?" nag-cross arm nitong tanong.

"Dapat ko pa ba sabihin sayo? Hindi ba pwede kami lang ang nakakalam?"

"Boyfriend niya ko,karapatan ko naman siguro malaman kung anong sasabihin mo 'di ba?"

"Pero hindi naman sa oras dapat malaman mo ang dapat usapan namin. Alalahanin mong Bestfriend niya ko,"

"Talaga? Kung Bff ka niya bakit binilin niya sa amin na wag kang papapasukin dito kapag dumating ka? Ibig sabihin , alam nyang may Nixon na darating noh?"

"Ang dami mo sinasabi. Please, palabasin mo siya.Kailangan namin mag-usap!"

"Wag mo sabihin sinaktan mo ang Girlfriend ko?!"

"No way!" bulyaw ko rito. "KLEA! KLEA! MAG-USAP TAYO! PLEASE!"

"Wag ka nga mag-iskandalo rito!" siyang sigaw sa'kin.

"Nixon?" tanong ni Ma'am.

"Ma'am,pwede ko ba makusap si Klea? Kahit saglit lang." Sinenyasan niya si Amir na pumasok sa loob. Binigyan niya ko ng wag-kang-papasok-look.

Nang tuluyan makapasok si Amir sa loob ng bahay tsaka ako inaya ni Ma'am sa Garden. Naki-usap itong wag ko na silang guguluhin lalong-lalo na si Klea dahil masama nga raw ang pakiramdam.

"Bukas ko na lang po siya kakausapin. Paumanhin po sa inasal ko kanina." yumuko ako upang bigyan siya ng paggalang.

"Nauunawaan ko kung bakit nagkakaganyan ka. Nixon, may pakiusap sana ako sayo,"

"Ano po yun Ma'am?"

"Pwede ba wag mo sasaktan ang anak ko?"

"Po?" naguguluhan kong tanong,

"Mali man sabihin ito pero--- Nixon, umiiyak kaninang umuwi si Klea. Binanggit lang niya ang pangalan mo at hindi ko na ulit nakusap. M--may problema ba kayo?" mahigpit kong hinila ang necktie.

"B-baka po narinig niya ang usapan namin ni Clarissa," tipid kong sabi.

Ngumiti ito, "Kung ano man yun,sana hindi ito makakapekto sa pagkakaibigan nyong tatlo. Pwede Nixon? Wag mong sasaktan si Klea, alam mo kung bakit ko 'to sinasabi sayo."

"O-opo. Nauunawaan ko kung bakit," tinapik niya ang balikat ko.

"Umuwi kana upang magpahinga. Mag-usap kayo kapag wala ng galit sa puso nyo." wala na kong sinabi pa ng pumasok sa loob ng bahay.

Malungkot kong pinaandar ang kotse. Nakuwi ako sa bahay na sinalubong ng malungkot na tahanan. Pagpasok ko sa kwarto, kinuha ko ang cellphone at tinext siya.

"Mag-usap naman tayo Bestfriend :("

Hindi ko binitawan ang cellphone hangga't walang replay. Nakatulog na yata ako kakahintay at umaasang may sagot siya sa mensahe ko. b.u.malikwas ako,kaagad hinagilap ang cellphone. Ang nakaklungkot lang dahil wala ni isang message mula sa kanya. May mahinang katok akong narinig galing sa pintuan.

"Bukas," mahina kong sabi.

"Anak," si Daddy. Nakbihis na ito nang pamasok.

"Good Morning," bati ko.

"Good morning, nasa baba na si Clarissa. Maaga raw ang pasok nyo bakit hindi kapa gumayak?"

Muli kong naalala ang halik na ginawa sa akin ni Clarissa. Nung mga oras na yun mukha ni Klea ang rumirehistro sa utak ko. Maging ang mga sinabi niya sa akin dati. Hahalikan niya ang lalakeng mahal niya ,hindi ang kaibigan niyang lalake.

"Hurry up Son, ang oras ay tumatakbo." lumabas ito sa kwarto na may ngiti sa labi.

Buntong-hininga akong naghalughog ng cabinet. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko magaw.a.n.g magconcentrate ngayong umaga. Naligo muna ako pagkatapos ay nagbihis. Pagkababa b.u.mungad kaagad ang masayang mukha ni Clarissa.

"Nixon! k.u.main na kayo ni Clarissa." tawag ni Mommy nasa harap ng lamesa. Nagpakawala muli ako ng hininga.

"Sa school na ko kakain," walang gana kong sabi.

"Kakain pa lang si Clarissa," depensa nito.

"Mom ,Dad. I have to go." tinignan ko si Clarissa nagmamadali kinuha ang bag sa sala.

"Mauna na po kami ni Nixon,sa school na rin po ako kakain. Maraming salamat po t.i.to and t.i.ta." magalang niyang paalam.

Inunahan niya kong makalabas ng bahay hanggang pag-sakay ng kotse.

"Good morning," bati niya ng maksakay ako sa kotse. Umiwas ako sa halik niya.

"Naiilang ka ba?"

"Hindi."

"Bakit ganyan ka k.u.milos? Sabi ko sayo sana ganito pa rin tayo walang magbabago."

"Alam ko."

"Nixon, umaamin ka. Gusto mo pa rin ba si Klea?" matagal bago ako nakasagot.

"May Amir na siya eh. Tigilan mo na yan. Ako na lang. Ako na lang Nixon ang mahalin mo."

"Hindi ganoon kadali Clarissa ang lahat. May mga bagay na dapat dinadaan sa proseso."

"Katulad ng pagmo-move-on?"

"Ganon na nga,"

"Hindi naman naging kayo,kaya bakit ka magmo-move-on?"

"Alam mo dapat ang sagot doon."

"Sige, bilang kaibigan mo, ako na ang gagawa ng way para makalimutan mo sya. Sobra tapat niya sa Amir na yun." kagat labi kong tinanaw ang kalsada. Kailangan kong magpakatino ngayon dahil baka maaksidente kami.

Matiwasay ang pagtungo sa school. Tulad ng dati, lilibot ako sa buong school para mang-huli ng pagalgala sa oras ng klase.  Actually, wala ng klase pero dahil nais ng mga guro na mag-discuss sila ukol sa graduation ay patuloy akong nagte-take ng name sa Log book. Mahigit kalahating oras akong naglibot. Sa awa naman ng Dios ay wala akong nakitang pagalgala. b.u.malik na ko sa locker upang ibalik ang log book nang hindi ko inaasahan makita si Klea sa 'di kalayuan. Naktapat ito sa Cr ng mga lalake. May kausap siya pero hindi ko makita kung sino. Sinubukan kong lumapit ngunit ng malapit na ko tsaka may humila sa kanya papasok ng Cr. Patakbo kong pinuntahan ito para malaman kung sinong walang hiya ang humatak sa kaibigan ko.

Walang hiya nga, walang hiya ang humatak kay Klea papasok sa Cr ng mga lalake. Wala na yatang mas sasakit makitang nasa loob sila ng Cr na sarap na sarap sa halikan. Parang binibiyak unti-onti ang puso ko. 'Di ba dapat masaya akong magkasama sila at masaya? Bakit ba hindi ko maturuan ang puso kong huwag siyang ibigin? Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan nang dahil sa kanya.

Pinili kong b.u.malik sa cla.s.sroom kahit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Pinilit kong maging okay ang lahat kahit sa kaloob-looban nawawasak ito unti-onti.

"Twenty five minutes lalabas tayo para sa practice natin," sabi ni Sir. Hiyawan ang lahat. Parang wala lang sa kanila ang pinagdaraanan ng Last Section.

Sa palagay ko, may kinalaman sina Leny sa pangdo-doktor sa exam nila. Ang sabi ko nga ay aalamin ko ito ngunit masyadong maingat ang mga cla.s.smates ko. Habang nagkakingay ang lahat ay kalmadong pumapasok si Amir sa loob. Nagtama ang mga mata namin ng mapadaan siya sa pwesto ko. Binigyan niya ko ng ngising nakakinsulto at ng hanggang-kaibigan-klang-look. Ginawaran ko rin siya ng magbrebreak-din-kayo-look.

Nag-anunsyo si Sir na diretso kami sa Covered court dahil may gumagamit na ibang year ang Gymnasium. Nauna kaming dumating doon. Nananahimik ako sa gilid ng kalabitin ako ni Trixie.

"Duet tayo gusto mo?" sabay lingon sa stage kung saan inaayos ang ibang instrument. Katulad ng mga : Guitara, Drums, microphone,at iba pa.

"Habang hinihintay ang ibang sections."

"Maghanap kana lang ng iba Trixie." tanggi ko.

"Tara na kasi, bilis..."

"Ayoko nga,"

"Saglit lang. Kung gusto mo kahit hindi na tayo duet. Maganda boses mo eh. Please," nilalandi niya ko gamit ang mga t.i.tig niya.

"Later," buntong-hininga ko. Nag-nod na lang sya bago ako iwan dito. Dumating ang mga Section B and C hanggang sa dumating ang Last Section.

"Oh? Bakit nandito ang Last section? 'Di ba hindi sila grgraduate?

" Baka manunuod lang. Hayaan nyo na."

"Kasama nila si Ma'am Faustino, malamang okay na silang lahat."

Kung sinu-sino ang nagsasalita pero deadma lang sina Klea. Alam ko kahit nandito sila mga na eexcite ang mga ito para sa graduation day. Nakakalungkot lang kung mpatunayan na bagsak talaga sila. Tsaka, madali lang naman magsalita at akuin ang kasalanan ,tulad ni Lemuel, alam kong may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon.

Umakyat si Amir sa taas ng stage. Pagkaraan ay may kinakanta ito na tingin ko ay A1 song. Iniiwasan kong huwag tumingin kay Klea pero sinasabi ng puso ko na 'tignan mo siya,kahit man lang sa huling pagkakataon.'

Ang tagal magsi-dating ng mga guro namin. Umalis pa si Ma'am Faustino dahil may nagsabi na kakausapin siya ng mga ibang guro sa Guidance office. Ang lahat ay hindi nakayos sa upuan,may lakad nang lakad, nagdadaldalan, k.u.makanta,sumasayaw at kung anu-ano pa. Tumabi sa akin si Clarissa ng paakyat ako ng stage.

"Kakanta ka?" bulong niya.

Nag-nod lang ako bago siya iwan sa paglalakad. Naki-usap itong siya muna ang kakanta at gusto niyang ako ang tutugtog ng gitara. Pinagbigyan ko na lang siya dahil Bestfriend ko siya at lagi ko naman ito ginagawa sa kanilang dalawa ni Klea. Habang k.u.makanta si Clarissa, hindi ko maiwasan tignan si Klea mula rito sa taas ng stage hanggang sa kinatatayuan nila. Maraming nakadikit sa kanya na lalakeng cla.s.smates niya. May kung ano silang pinag-uusapan ngunit kaagad silang lumingon sa amin. Napansin kong hindi na k.u.makanta si Clarissa pero ako pa rin itong kalabit pa rin sa guitara. Ang ilan ay ngumiti pero siya seryosong umiiwas na tignan ako. Nilapitan siya ng kanyang Pres. Ma ibinulong ito dahilan para umalis silang lahat sa covered court. Napatayo upang tanawin silang papalayo. Lahat ay nakatingin sa akin sunod sa mga taong tinatanaw ko.

"Mukhang hindi sila pinayagan ng Princ.i.p.al na mag-practice." malungkot na sabi ni Clarissa sa akin.

"Nixon ,tulungan natin ang Last Section." tinignan ko siya.

"Paano? Isa lang naman ang kutob kong may gawa nito."

"Ang Section A,"

"Hindi lahat. Sigurado na kasama rito sina Leny."

"Paano yan?" halos mawalan siya ng pag-asang malutas pa ang problema.

"Kakausapin natin si Lemuel, at Trixie." huli kong sabi bago ito nag-nod.

******

"Anong ginagawa natin dito Nixon?" tanong niya sa'kin habang hatak ko. Binitawan ko kaagad ito ng makita ko sina Lemuel at Clarissa.

"Anong ibig sabihin nito?!" Galit niyang tanong.

"Trixie, relax okay? May gusto lang kami i-kompirma." satsat ni Clarissa.

"B-bakit pati ako nandito?" nahihiyang tanong ni Lemuel.

"Dahil dawit ka rito. Alam kong hindi mo gagawin ang bagay na yun dahil lang sa galit mo sa iyong kapatid." sabat ko pa.

"Wala kayong mapapala sa akin." aalis sana si Trixie ng awatin ko.

"Please,makipag-tulungan naman kayo sa'min. Alam nyo bang buong Last Section ay nanganganib hindi makgraduate?"

"Alam ko,pero ano bang paki-alam namin sa kanila?" pagtataray niya.

"Alam ko na biktima lang din kayo tulad nila. Alam kong may ibang tao na sangkot dito."

Taas ang kilay sabay cross arm, "So,sinasabi mo na nagsisinungaling kami para lang ipahiya at the same time  para hindi makgraduate ang Last section ,ganoon ba?"

Nag-nod kami ni Clarissa. "Wala kayong makukuha kahit na ano sa amin ni Trixie." si Lemuel naman ang nagsalita.

"Ginawa ko yun dahil gusto kong masaktan si Kuya.Gusto kong mas higit pa roon kaya pati mga cla.s.smates niya sinama ko sa plano."

"Tama, kung tingin nyo may kinalaman ang Section -- pwes, mali kayo." Tumingin sakin si Trixie. "Section A ka 'di ba? Pero bakit hindi mo ipagtanggol ang section natin sa mga pangbibintang nila?"

"Malamang, nandoon ang nagugustuhan niyang babae," siwalat ni Lemuel, dahilan para tignan ko si Clarissa na may lungkot sa mukha.

Napalunok ako, "W-wala sa Last section ang nagugustuhan ko." sinungaling ka Nixon! Sinungaling!

"Talaga? Paano kami maniniwala?" si Trixie.

"Pwede ba? Wala sa akin ang topic. Tungkol ito sa mga estudyante na gusto makgraduate. Sana makipag-ayos kayo sa amin at sabihin ang nalalaman nyo."

"Wala kayong malalaman," mariin sabi nilang dalawa. Hindi ko na sila pinigilan pa. Mahirap pilitin ang mga taong ayaw magpapilit. Kailangan ko na talaga makipag-sundo kay Amir para malutas ito. Siguro naman hindi siya papayag na si Klea ay hindi makakgraduate.

"Anong plano?" lumapat ang kamay niya sa balikat ko. "Mukhang wala tayong mapapala sa kanila."

"Isa na lang ang isa natin pag-asa."

"Sino?"

"Si Amir, alam kong may magagawa siya tungkol dito. Hindi papayag yun na hindi makgraduate si Klea."

"Kung makikipagtulungan. Paano kung hindi? Paano kung gumagawa na siya ng hakbang para rito?"

"Try natin, atleast may ginawa tayo para sa kaibigan natin." naglalakad na kami pabalik sa building.

Papasok pa lamang ako sa loob ng tawagin akong muli ni Clarissa.

"Sabay tayo mag-lunch later." Sabay kindat at tuluyan pumasok sa cla.s.sroom nila.

Wala na kaming ginagawa pero bakit hindi pa kami pauwiin? Nakakbagot, gusto kong umuwi na lang kung di ko rin makakusap si Klea. Sumulyap kami sa labas,may nagkakagulo dito. Kaagad kami lumabas at laking gulat ko ng makita namin ang mga papel na nakkalat sa labas.

"Sino may gawa nito?!"

"Ang bababoy! Ano ba akala nila sa tapat natin basurahan!"

"Ang Last Section may gawa niyan!"

"Tara sugurin natin!!!!!!"

"Sandali! Wag nga kayo padalos-dalos ng desisyon! Wala tayong pruweba kung sila nga ba ang may gawa nyan." awat ko.

"Eh sino gagawa? Ang Section B,Section C? May dahilan ba sila para gawin ito sa atin?" pagtataray sa akin ni Leny.

"...pero wala tayong pruweba." mariin kong sabi.

"Ang mga kalat na yan ay kakambal ng Last Section. Malamang,sila nga talaga may gawa nito." someone commented.

Pinagmasdan ko si Amir na tahimik lamang nakatingin sa mga kalat. Nalilito ako sa inaasta niya,parang hindi ko maunawaan.

"Kaya dapat sugurin natin sila at ipakain ang kalat na yan!"

"Oo nga!"

Nag-takbuhan ang mga cla.s.smates kong lalake habang naglalakad lang ang mga babae. Diretso lang naman ito patungo sa last section,walang mga nakkalat na ibang section kaya madali para sa kanila na sugurin sina Klea. Patakbo rin akong patungo sa kanila. Palagay ko ay isang riot ito sa buong building kung mangyayari man.

Malapit na mga cla.s.smates ko ng matanaw kong papalabas ng cla.s.sroom sina Klea at iba pa niyang cla.s.smates. Mga nagtatawanan ito at walang kaalam-alam sa mangyayari. Nakita ko na lang sinapak ng isa kong cla.s.smate ang President nila,kaagad gumanti ito at doon nagkgulo na. May suntukan at sabunutan nangyari sa pagitan ng Section A at Last Section. Aawat ako pero pinigilan lamang ako ni Leny at Trixie.

"Tumigil na kayo!!!!!" Bulyaw ko pero walang nakikinig. Tumabi sa akin si Amir na may halong ngisi sa labi.

"Anong ginagawa mo Amir ha! Nakikita mo na ngang nagkakagulo sila hindi mo pa awatin!"

Tinignan niya ko, "Hindi ko na dapat problemahin yun."

"Ano?!" Sa gigil ko ay nagawa ko siyang sapakin sa mukha. Kasunod ang pagtama ng tuhod ko sa sikmura niya. "Wala kang paki-alam nakikita mo nang walang gustong umawat!"

Nakyuko siya habang hawak ang sikmura. Hindi maipinta ang mukha niya ng tignan ako. Walang salitang lumabas mula sa kanyang bibig.

"Klea!!" may sumigaw na lalake sa gitna ng gulo. Pareho kaming napalingon ni Amir. Tinamaan ng suntok si Klea ng cla.s.smate namin na dapat ay kay Blaze ipapatama. Niligtas niya si Blaze pero siya naman ang napahamak.

"Klea!" Lalapitan ko sana pero may isang kamay na umawat sa'kin. Nakita ko ang mukha ni Clarissa na may inis habang nakatingin sa akin.

Muli kong binalingan ng tingin si Klea. Hawak siya si Amir ngayon at pilit ginisinging.

"Dahil natin sa Clinic!" Sigaw ng President nila bago niya itulak palayo si Amir sa walang malay na katawan ni Klea.

Binuhat niya ang kaibigan ko ,kasunod ng buong Last section. Masamang-masama ang tingin sa akin ni Blaze,maging ang iba pa na kamag-aral nila. Bakit sila nagagalit sa akin? Anong kasalanan ko?  Natulala ko silang sinusundan ng tingin nang may dumapo sa mukha ko na isang kamao.

"Nixon!" sigaw ni Clarissa, "Amir ,ano ba!" pilit akong itinatayo nito.

"Ilugar mo nga yang sarili mo. Parang mas kamping-kampi kapa sa kanila kaysa sa sarili mong section!"

"Bakit hindi! Kung may kinalaman naman talaga ang Section natin sa gulong ito!"

"Tumigil kana sinabi! Wala tayong kinalaman sa nangyari sa Last Section!" Hinila siya ni Leny palayo sa amin. Ang sama ng tingin niya kay Clarissa bago tuluyan lumayo.

"Bakit kasi nagsalita kapa!" galit na sabi ni Clarissa. "Nagksakitan tuloy kayo." nag-aalala na nitong sabi hawak ang pisngi ko.

Nagpunta kami sa clinic para gamutin ang sugat ko sa labi. Halos nasa labas ang Section nila Klea na nakatingin sa amin.

"Anong ginagawa mo rito ha?"

"Kulang pa ba yung pag- suG.o.d nyo sa sa'min ha?!"

"Malaki na talaga ang problema nyo sa utak. Kami walang ginagaw.a.n.g masama ,sasaktan nyo!"

"Masaya na kayo dahil may isang LAST SECTION na nasaktan dahil sainyo!"

"Hindi kami nagpunta rito para makipag-away. Dadalhin ko lang ito sa loob ng Clinic. At gusto rin naman makita si Klea." Bulaslas ni Clarissa.

May kung anong atmosphere sa pagitan nila ni Blaze ng mag-tama ang kanilang mata. Kahit hindi sabihin ni Blaze, alam kong nasasaktan sya. Kahit hindi aminin ni Clarissa alam kong may konti pa rin siyang pag-ibig dito.

"Hindi natin kaaway sina Nixon at Clarissa," boses ng President nila palabas ng clinic. "Pumasok na kayo para magamot na yang sugat mo." utos niya. Aangal pa sana ang iba pero isang tingin lang ng Pres nila ay nakakatakot na talaga.

Pumasok kami sa loob. Pinaasikaso kaagad ako ni Clarissa sa isang nurse. Nagpaalam muna itong pupuntahan niya si Klea sa loob ng kwarto. Naiwan akong tulala habang ginagamot ang sugat.

"Okay na, sa susunod wag na wag mo nang patamaan ang labi mo. Sayang kung puro sugat." nakaklokong sabi ng Nurse. Iiling-iling akong tumayo para puntahan si Klea.

Nadatnan kong nakahiga ito sa isang kama. Nag-uusap sila ng pumasok ako.

"Masaya ako para sainyong dalawa," nakngiting sabi ni Klea sa'min.

"Salamat Best," yumakap sa akin si Clarissa. Nagtataka man ay sinuklian ko ang kanyang pagkakayakap. "Mag-usap muna kayo." masayang paalam ni Clarissa sa'min bago kami iwan dalawa

Namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto. Walang iba estudyante nakahiga maliban kay Klea. Naupo ako sa bakanteng upuan bago siya tignan na may pag-aalala. May gasa ang noo nito.

"H-hindi mo man lang sinabi sa akin ang totoo,"

"Ang alin?" b.u.mangon siya.

"Nagkakigihan na pala kayo ni Clarissa. Bakit Nixon? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?"  Ano raw?

"Ano bang sinasabi mo?"

"Di ba nililigawan mo na si Clarissa? Masaya ako para sainyo. At masaya ako dahil sa huli kayo rin pala ang magkaktuluyan."

"Mali yang nasa isip mo," depensa ko.

"Sinasabi mo nagsisinungaling si Clarissa?"

"Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magsinungaling,"

"Ako alam ko," matagal kaming nagt.i.tigan. Hindi kaya narinig niya kagabi?

"Nasa bahay ako nila ni Clarissa nang maabutan ko kayong nag-uusap." binigyan ko siya ng Nakitmo-yung-kiss-namin-look.

"Oo,nakita kong naghalikan kayo." hindi sana ko marereact pero may luhang tumulong rito.

"Bakit ka umiiyak?"

Kaagad niya pinunasan ang pisngi na may luha, "Masaya lang ako para sainyo." Humagulgol ito ng iyak. "Hindi ko inaasahan na kayo talaga ang magkakagusto sa isa't-isa." Iba ang feeling ko sa sinabi niya. Bakit parang hindi naman siya masaya na okay kami ni Clarissa.

"Klea, hindi ko alam ang ibig sabihin ng pag-iyak mo. Pakiramdam ko, nasasaktan ka pero ayoko mag-a.s.sume na mahalaga ako sayo. Kung masaya ka para sa amin, mabuti yun. Dahil wala naman problema kay Clarissa. Pero--- sana bago mo ko ipagtulakan sa kanya pwede b-- pwede ba kahit isang beses lang ,kahit isang beses na AKO NA LANG, AKO NA LANG ANG IBIGIN MO."

"Nixon,hindi pwede eh.Mahal ko si Amir .Hahayaan kita kay Clarissa dahil alam kong sa kanya ka liligaya." sa kabila ng lahat ako pa rin luhaan sa huli. Ako pa rin ang umaasa na wala ng laban.