Potion Of Love - 39 Chapter 38
Library

39 Chapter 38

"Salamat po,"

"k.u.main kana.Maaga pasok mo ngayon. Tapos kana ba magpapirma ng clearance?"

"Hindi na po. Ma, tungkol nga pala kahapon..."

Ngumiti, "Wag mo nang isipin yun. Pinatawag kahapon sina Amir sa guidance. Naging maayos naman ang pag-uusap nila."

"Tingin nyo po ba totoong ang Section A ang may kinalaman kung bakit b.u.magsak kami sa Exam?"

Umiling, "Wala pa kami na pag-uusapan tungkol dyan, pero kung totoo man ang sinasabi nyo maaari kayong mag-take ulit ng exam."

"Ano mangyayari sa Section A? Hindi sila makakgraduate?" parang nawalan ako ng sigla ng umiling ito.

"May gagawin lang sila na project."

"Iyon lang?"

"Oo,"

"Ma, pero---"

"Iyon ang gusto ng Princ.i.p.al. Sa totoo lang hindi ako pabor sa gusto nila pero malaki rin ang na iambag ng Section A sa School natin."

"Porke ba malaki ang naitulong nila sa school wala na sila karapatan patawan ng parusa. At kung kami ang gumawa ng masama,parusa kaagad. Napaka laki ng deperensiya sa amin nito."

"Hayaan mo anak, gagawa ako ng paraan. Magrereklamo ako bilang adviser nyo." pareho kaming ngumiti na may lungkot.

***

Kahit anong aga ko nagising kanina at nakapag handa ay hindi ko naman nagaw.a.n.g bilisan pumasok sa school. Panigurado nito,marami magtatanong sa akin kung ano ang nangyari at kung paano na ang graduation. Mabuti na lang gagawa ng paraan si Mama para lutasan ang problema na ito.

Naninibago akong pumasok sa room namin. Kung dati kapag papasok ako lagi sila nagkakagulo o hindi kaya'y wala sa ayos ang mga upuan. Ibang-iba ngayon, parang ang tahimik nila. Siguro dahil iniisip pa rin nila ang graduation kung makakgraduate nga ba kami.

"Klea! Kamusta na pakiramdam mo?"

"May balita kana ba sa exam natin?"

"Si Pres. baka nanganganib na hindi talaga makgraduate kung mapatunayan na walang kinalaman ang Section A rito."

"Oo nga, sana may magawa pa si Ma'am Faustino. Gusto namin makgraduate."

"Nakakahiya sa buong angkan namin kung kami lang ang hindi grgraduate ngayong taon.Sakit na nga kami sa ulo rito sa school,itatakwil pa kami ng magulang namin."

Nakaramdam ako ng lungkot. Kahit sino naman sa amin hindi matatanggap na ganito ang mangyayari. Oo, last section kami pero syempre may kanykanya rin kaming pangarap na gusto namin makamit. Hindi porket, last section at mababa ang grade ay bobo na. Wala naman taong bobo, lahat may kanykanyang talento ang tao. Kung ang Section A matalino sa lahat ng subject pero kaming Last Section naman ay maraming alam pagdating sa mga sports. May pailan-ilan din sa'min na maaasahan sa lahat ng bagay. Kung t.i.tignan nyo ang card namin, I'm sure 90+ ang EsP namin.

"Wag na tayo mag-alala. Gagawa ng paraan si Ma'am Faustino. Tsaka, kung mapatunayan natin na may kinalaman ang Section A bibigyan tayo ng pagkakataon para mag-take ng exam. Kaya dapat ihanda natin ang mga sarili. Gawin natin ang lahat para maging perfect sa exam." lakas loob kong sabi. Lahat naman ay umayon sa kagustuhan ko. Kahit paano nawala ang pangamba nila na baka hindi na makgraduate.

Umupo na ko sa tabi ni Pres. Tahimik ito tinitignan ang index card. Kung todo ako rito tingin sa kanya pero siya naman panay ang iwas ng tingin.

"Pres." tawag ko.

"Uhmmmm---"

"Tungkol kahapon, Ahmm, kasi--- ahh-- yung sinabi ni Amir," kinakabahan ako ah.

Kunot-noo niya kong tinignan. "Ano 'yun?"

"Kasi 'di ba nga may sinabi ka kahapon kay Amir?"

"Alin doon?"

"Hay, de bale na lang." Yumuko ako dahil ayoko naman din magtanong pa.

"Yung gusto kita?" ikinagulat ko ang sinabi nito.

"Alam mo kasi ,ganito 'yun." nagmamadali kong sabi. "Bakit mo ko na gustuhan?" lakas loob kong usisa sa kanya dahilan para matawa nang malakas.

"Bakit naman kita magugustuhan?" kainis! Mabuti sana kung tanong lang ginawa niya kaso may kasama pang tawa kaya mas lalong nakakinsulto.

"Oo nga naman," mapait kong sabi. "Yung tipo mo sa babae katulad ni Clarissa." tila nagbago ang awra ng mukha niya kasunod nun ang pagtawa nang malakas.

May President ba kayo na sobra mangbuwisit? Meron kayo nun? Kasi kami meron eh. Kaso todo iwas ang mga cla.s.smates namin na wag siyang pansinin dahil panigurado nito magagalit siya sa mga taong nakikinig sa usapan ng iba.

"Iba ka kasi sa mga nakilala ko," ang bilis magbago ng emosyon nya. Grabe ,tumatawa sabay seryoso. Sakit sa head nito kausap.

"Gusto kita,wala ng pali-paliwanag basta mas maliwanag pa sa buwan.GUSTO KITA."

OMG! HINDI KO KINAKAYA 'TONG SINASABI NI PRESIDENT.

Nawalan ako ng kibo. Parang may dumaan na Anghel sa loob ng room dahil tumahimik din ang mga kaklase namin. Sa kabila ng katahimikan may isang babaeng pumasok. Anak ng---- hindi anghel kundi isang Devil. Ano naman kaya ginagawa ng bruhang Leny na 'to sa room namin? Hayst, magsasaboy ito ng kasamaan panigurado.

"President, may tulisan!"

"Hala! Anong ginagawa mo dito babaeng langaw?!"

"Lumayas ka nga sa room namin!!"

Nag-cross-arm si Leny sabay taas ng kilay. "At sa tingin nyo gugustuhin kong pumasok dito sa bulok nyong cla.s.sroom?!"

Tumayo si Pres. "Kung ganoon,anong ginagawa mo rito? Kung gagawa ka ng gulo," tinuro ang pintuan. "Bukas ang pinto para lumabas kana."

"Tsk, tsk, tsk. C'mon Mr.President, may gusto lang akong patunayan sainyo."

"What?"

"Sino nagsabi sainyo na kaming Section A ang may dahilan ng hindi nyo pag-graduate ha? Hoy! Para sabihin ko sainyo ,hindi gawain ng section namin ang mandaya sa exam!"

"Hindi naman kayo nandaya, pero dinoktor nyo lang naman ang Test paper namin. Makatarungan bang gawin yun?"

"Paano kayo nakaksiguro na kami ang may gawa nun? May pruweba kayo?"

"Wala, pero sinabi ng kaibigan mong Trixie na may kinalaman nga kayo."

"Pwede mo ba i-kwento ng buo para naman kapani-paniwala?" k.u.muyom ang kamao ni Pres. Nakakingay na rin ang mga tao sa labas. Marahil ay mga nakikinig sa usapan nila Leny.

"K-kung pumunta ka lang dito para linisin ang pangalan nyo pwede ba sa Guidance office na tayo mag-usap-usap."

"Wala akong sasabihin na iba. Pero kaya kong patunayan na hindi kami ang may gawa nun." Tumingin sa pintuan. "Papasukin nyo na 'yan!" Hawak ng dalaw.a.n.g lalake ang isang lalake papasok sa room namin.

"Siya si Lemuel, mula sa Section C." paunang pakilala ni Leny.

"Lemuel, sabihin mo nga sa mga bobong Last Section kung sino ang may gawa sa Test paper nila?" malamya niyang tanong dito.

Hindi makatingin ng diretso ang lalake,habang hawak ng dalaw.a.n.g lalake ang magkabilang balikat nito. Pansin ko rin ang panginginig ng kanyang kamay at labi.

"Ano Lemuel? Sabihin mo kung anong kinalaman mo rito." sa tono ni Pres parang kilalang-kilala niya si Lemuel.

"K-kuya...." lahat kami nagkingay ng sabihin yun ni Lemuel na may halong takot.

"Walang alam ang Section A tungkol sa Test paper nyo. Ang totoo nyan ay ako ang may gawa nito."

"Ano?!?!" kinuwelyuhan ni Pres si Lemuel. Lahat kami ay umaawat sa kanya.

"Ano na naman ba 'to ha Lemuel?!! Sinasagad mo ba talaga ang pasensiya ko?!?!" Nagtatama ang kanilang mga mata. Halatang may galit ang tingin ni Lemuel kay Pres.

"Ede mabuti, yan talaga ang gusto ko. Ang sagarin ko ang pasensiya mo. Kung tutuusin dapat nagdidiw.a.n.g na ko dahil hindi ka makakgraduate. Paano pa kaya kung malaman nila Mommy at Daddy na ang paborito nilang anak hindi grgraduate."

Tiim bagang hinila muli ni Pres. ang kwelyo niya. Bahagya rin umangat sa ere si Lemuel.

"Pres, tama na!"

"Tama na 'yan! Pag-usapan nyo 'to!"

"Magkapatid kayo. Huwag kayo mag-away."

Ibig sabihin ba nito talaga ba tatang magkapatid sila. Ibig sabihin din nito ay ginawa ni Lemuel na doktorin ang Test paper namin nang sa ganoon ay hindi makgraduate ang Kuya niya at kapag nalaman ng Parents nila ang nangyari ay magbabago ang pakikitungo nila kay Pres. Pakiramdam ko may lihim na inggit siya sa kanyang Kuya. Hindi ko alam na may kapatid pala si Pres na nag-aaral din dito.

Habang abala ang magkapatid sa pag-aangilan. Nakita kong nakatingin sa akin si Leny. Nananatili itong nakcross-arm na may ngisi sa labi. Binigyan ko siya ng kasalanan-mo-to-kung-bakit-nag-aaway-ang-magkapatid-look. Inirapan lamang niya ko bago lumabas ng cla.s.sroom namin. Nagmamadali akong sumunod sa kanya. Wala pa yata kami sa pinakalabas ng room ng hatakin ko siya.

"At saan ka pupunta? Hindi pa kapa yata tapos magsalita sa harap!" isang sampal ang pinatama ko sa mukha niya. Tagal na kong nang gigigil dito.

"UGGGHHH! WHAT THE h.e.l.l?!?!" nagwawala ito nang hatakin siya ng mga cla.s.smates ko upang hindi makaganti sa'kin.

"Tinakot mo lang si Lemuel para siya ang umako ng kasalanan nyo! Bawiin mo lahat ng yan kundi----"

"Kundi ano Klea?" sabi ng kung sino na papasok sa loob ng room.

"Kulang pa ba ang pruweba para lang patunayan na wala kaming kinalaman diyan." nakapamulsa ito nakatingin sa'kin.

"Amir, please naman ohh. Alam kong wala kang kinalaman dito pero sana naman-----"

"Tama na! Ano pa ba dapat kong gawin para maniwala ka?! Nagsasabi ako ng totoo na wala kaming alam diyan. Section B ang chineckan namin na Test paper nun,kaya nagkakamali kayo sa pagbibintang sa'min." Galit na sabi ni Amir.

"Pero bakit sinabi ni Trixie na may kinalaman kayo?"

"Di ka ba makgets? Malamang, gusto ka lang niya inisin dahil boyfriend mo ko na dating boyfriend na kaibigan niyang si Leny!"

"Alam kong may iba pa siyang dahilan. Malay ba natin kung gumawa ng hakbang sina Leny para gawin yun. Lahat kayang gawin ni Leny."

Nilapitan niya ko na may inis sa mukha. k.u.makalabog ang puso ko dahil sa sobrang kaba.

"Bagay na bagay ka nga talaga sa LAST SECTION.Pare-pareho kayong mga BOBO!" matapos niyang sabihin tsaka ito lumabas ng cla.s.sroom namin. May halong pang-iinis sumunod si Leny dito. Habang si Lemuel ay nakayukong lumabas na rin. Natahimik kaming lahat, hindi ko inakala na magsasalita si Amir ng masasakit ukol sa Section namin.

"Nandiyan na si Ma'am!!" Sigaw ng kung sino. Balik kami sa mga upuan namin.

Malungkot na pumasok si Mama habang bitbit ang librong ipapatong sa center table.

"Mukhang alam nyo na rin ang nangyari," maikli nitong sabi.

"Hindi po kami naniniwala na si Lemuel ang may gawa nito." someone commented.

"Yun din ang paniniwala ko," seryoso siyang nakatingin kay Pres.

"Pasensiya na po kung gumawa pa ng gulo ang kapatid ko. Sakit talaga siya sa ulo nila Mommy." Paumanhin nito kay Mama.

"Hayaan nyo humingi na rin ako ng tulong sa ibang Teachers kung may dapat pa ba kaming imbestigahan dito. Sa ngayon, kailangan nyo mag-review muli dahil kung bibigyan man kayo ng isa pang-chance ay ibang Questions ang ibibigay sainyo." tumingin siya sa akin.

"Klea, samahan mo kong ihatid ang mga libro na 'to. Cla.s.s,dito lang kayo sa loob. Babalik ako after thirty minutes."

Binitbit ko ang mga libro habang sinasabyan sa paglalakad si Mama.

"Pasensiya na anak," malungkot niyang panimula.

"Ma, wala ka naman kasalanan dito."

"Nagpabaya ako,dapat pumayag akong kayo-kayo na lang ang nag-check ng mga Test paper."

"Pero,ginusto rin naman ng Princ.i.p.al na taga ibang section ang mag-che-check 'di ba?"

"Oo nga, pero hindi ko naman alam na gagawa ng kalokohan ang ibang section para gamitin ang kakayahan nilang hindi kayo makgraduate. Masasayang lang ang hirap mo sa pag-aaral. Lalong-lalo na ang talino mo."

"Ma, hindi ko iniisip ang ganoong bagay. Ang gusto ko lang yung makita ang mga cla.s.smates ko na grumadweyt."

"Kung may paraan pa,gagawin ko ang  lahat."

"Pangako po. Hindi magtatagumpay ang may kasalanan dito." kinuha niya sakin ang libro.

"Sige na,b.u.malik kana sa room,"

"Po??" gulat kong tanong.

"Gusto lang kita makusap tungkol doon. b.u.malik kana sa room. Hintayin nyo na lang ako after thirty minutes."

"S-sige po Ma," paalam ko pero bago ako makalagpas sa isang building ng naglalakad ako ay makakasalubong ko si Nixon.

"Nalaman kong sumuG.o.d sina Leny at Amir sa room nyo,totoo ba?" sa tono lang niya ay halos nag-aalala na.

"Oo, pinatunayan lang nila na wala kayong kinalaman dito. Eh ,tingin ko nga sina Leny talaga may gawa nun eh. Dinawit pa si Lemuel sa gulo ng Section natin."

"Si Lemuel??" nagtataka niyang tanong.

"Oo, si Lemuel kapatid ni President. Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala siya rito." napansin kong tila ang lalim ng kanyang iniisip.

"May problema ba?"

"Ah,wala. Hayaan mo tutulungan kitang maayos ito. Gusto kita makitang naksuot ng puting toga."

"Mangyayari yun." Positibo kong sabi.

"Oo naman, ikaw pa ba?" ngayon ko lang napansin na gwapo talaga itong kaibigan ko kapag ngumiti. May iba sa mukha niya na hindi ko nakita sa mukha ni Amir. Pinitik niya ilong ko kaya nawala ako sa pag-iisip.

"Ah, kamusta si Clarissa?"

"Ayon, hashtag heartbroken pa rin. Actually, doon na nga ko nakatulog kagabi sa bahay nila." kamot sa batok niyang sabi.

"Ha? S-sakanila? B-akit?" kunot-noo niya kong tinignan.

"Eh Bakit ganyan ka yata mag-react? May bago ba roon? Ginagawa naman talaga natin yun dati pa 'di ba?" paalala sa'kin.

"Oo nga. Ang ibig kong sabihin bakit doon ka nakatulog."

"Iyak nang iyak eh, hindi ka namin matawagan kasi alam namin na may prino-problema ka rin. Ayaw na namin makidagdag sa mga iniisip mo."

Yumuko ako, "Pero sana kahit na sabi nyo man lang sa'kin 'di ba? Nakaktampo kayo." sabi ko pa.

Mabilis niya kong inakbayan, "Tampo kaagad oh, sige bukas magkita tayo sa bahay nila Clarissa."

"Para?"

"May sasabihin daw siya sa akin pero syempre secret lang natin na pupunta ka. Para msurprise sa'tin."

"Sigurado ka diyan?"

"Oo naman noh! Ano ka ba?"

"Oh,sige. Bukas ng gabi." nakipag-apir.

"Sabi mo nyan ah? Mag-tetext ako sayo kapag nasa bahay na nila ako."

"Okay!" malakas kong tugon.

"Bago ang lahat, pwede pumasok kana sa cla.s.sroom nyo?" marahan niyang binuksan ang log book.

"Ops! Teka lang naman! Kasama ko si Mama kanina eh,kanina pa siguro ako nakarating sa room namin kung 'di mo ko dinaldal."

"Kahit na~" kakantkanta niyang wika.

"Napaka mo!"

Humalakhak ito bago isara ang Log Book, "Sige na, magbibilang ako ng Lima dapat nasa labas kana ng building na ito! Isa !"

"Sandaleeeeeee!!!!" k.u.maripas ako ng takbo.

"Dalawa!" ugh, ngayon ko lang na pansin ang haba pala ng tatakbuhin ko.

"Tatlo!" Ugh, s.h.i.+t! Ba't limang bilang lang ang binigay nya? Ang daya ah!

"Apat!" Ugh, konti na lang,kaya mo 'yan Klea! Pagkalabas ko ng building wala na kong nagsalita pa mula sa loob. Marahil ay umalis na ito habang tawa ng tawa.

Pinagsisipa ko na lang ang mga bato malapit sa lupa dahil sa naisahan na naman ako ni Nixon. Makakabawi rin ako sayo loko ka.

***

"Magkita na lang tayo mamayang gabi." bungad sa'kin ni Nixon mula sa kanilang linya.

"Nasaan ka ba? Hindi ka ba makatulog?" sarap asarin.

"Nandito lang naman ako sa likuran mo," hinagilap ko naman at tama nga siya nasa likuran ko lang ito na nakatingin habang nakangiti. Binaba namin ang hawak  cellphone.

"Ilang beses ka ba nag-text sa'kin at tumawag?"

"Ah, hindi ko na matandaan," nakangisi niyang tugon.

"Mukhang excited ka ah? Ano ba pag-uusapan ninyong dalawa? Bakit pati ako isasama mo pa?"

"Of course, kasama ka sa bawat desisyon namin sa buhay. Kasama ka sa lahat Klea," hindi ko naiwasan na naman na t.i.tigan siya sa mata. Parang may k.u.mukurot sa puso ko na hindi maunawaan. Ganito lang talaga si Nixon kung magsalita. Akala mo lagi may laman ang sinasabi. Kung ibang babae lang ako ay talagang mahuhulog na ko sa kanya.

"Hey! Kingagawian mo na yang paninitig ah? Aba, iba na yan Klea, baka mamaya umamin ka sa'kin na iiwan mo na si Amir dahil in-love kana sa'kin."

Taas kilay kong tinignan, "Hindi mangyayari yun,"

"Okay, sabi mo eh.Wala na kong sinabi." masaya man ang mukha pero alam kong may kirot sa puso niya.

"Paano nga ba natin mapapasaya si Clarissa ngayon?" nakanguso kong tanong.

"Ede i-surprise nga 'di ba? Gandahan mo magbihis mamaya. Magpmake-up kana rin dahil sa isang cla.s.sy restaurant tayo kakain. I'm sure mawawala ang lungkot ng kaibigan natin lalo at kompleto tayo."

Napapalakpak ako sa tuwa, "Magandang ideya yan! Ayiiiieeeee, parang ako na yata ang excited ngayon."

"Hmm, talaga bang excited ka para i-surprise si Clarissa o dahil sa mga pagkain?"

"Ano ba akala mo sa'kin matakaw? Hmm, pero syempre ang pupuntahan natin na cla.s.sy restaurant yung may tempura ah? Yaay! Excited!"

"Uho, sabi na nga at excited kang i-surprise ang kaibigan natin," wala na kong pakialam kung pagtawanan niya ko basta excited na ko para mamaya.

Naki-usap ako kay Mama na make-upan niya ko dahil aalis kaming tatlo. Ipinagmamalaki ko sa kanya na kakain ako roon. Sa totoo lang, dapat ako lang masaya pero halata kay Mama na masaya ako sa gagawin namin mamaya.

"Ang ganda mo anak!" sabi ni Mama nang matapos akong lipstikan.

"Patingin," humarap ako sa malaking salamin.

"Oh my G.o.d, Ako ba talaga ito?"

"Oo naman, mukha bang hindi?"

"Opo, este--- Ibang-iba kasi ang mukha ko."

"Kahit wala kang make-up maganda kapa rin." Bulaslas sa'kin.

"Syempre naman, sayo ako nagmana eh,"

"Naku, naku, tama na ang bolahan. Bihis na at baka tumawag na si Nixon." binigay sa'kin ang Red dress. Kinuha ko muna ang cellphone para tignan kung may message ba sa'kin si Nixon. Malamang, hindi ako nagkamali. May mga missed calls pa nga eh.

"Nakgayak na ko,what are you doing?"

"Hoy, Klea, magpaganda ka ng husto ah?"

"Pst, mauuna na kong pumunta sa bahay nila tapos message mo ko kapag nasa labas kana ng bahay nila para abangan kita."

Hindi na ko nagreplay. Kaagad na ko nagbihis tapos nagpahatid na ko sa bahay nila Clarissa. Bahagyang traffic lang kaya wala pa ko sa kanila.

"Where na you?" text niya.

"On the way na, traffic lang."

"Ugh, ang bagal mo, nauubusan na ko ng idadahilan sa kanya kung bakit ganito suot ko."

"Okay! I'm coming!"

Hindi na ulit nagreplay sa message ko. Mabuti dahil bahagyang lumuwag-luwag ang kalsada. Binigyan ako ni Kuya ng paki-usap na maghintay ako dahil makakarating din ako sa paroroonan. Nang matatanaw ko na ang subdivision ay nag-text ako kay Nixon.

"Dito na ko, papasok ng sub." Itinabi ko muli ang cellphone sa bag. Nang matanaw ko na ang malaking bahay nila Clarissa at tumingin sa pinaka rooftop ay nakaramdam ako ng kaba. Kaba na parang excited na ewan! Ah, basta ganoon ang pakiramdam ko.

"Thank you Kuya! Pakihintay ako saglit, ang alam ko kasi kayo ang gagawin namin driver later." tumango lamang siya bago ko b.u.maba ng kotse.

Nag-text muli ako sa kanya,

"Hey! What's up? Here na me oh, sa gate nila." wala rin siyang replay sa una kong text. Sakto may lumalabas sa gate mula sa loob ng bahay.

"Hi Ma'am Klea!"

"h.e.l.lo, si Clarissa at---"

"Sir Nixon po? Andoon na po sila sa taas kanina kapa hinihintay niya. Ang alam ko hindi alam ni Ma'am Clarissa na darating ka. I'm sure matutuwa yun."

"Talaga? Sige papasok na ko,"  tumabi sakin ito upang alalayan akong pumasok. Tinext kong muli si Nixon.

"Papasok na ko. Ako na bahala mag-surprise sa kanya hihi :) ," itinabi ko na ang cellphone.

Dahan-dahan akong umakyat kung saan ang daanan patungong rooftop. Medyo ilang ako sa suot ko pero keri lang dahil  para sa kaibigan ko. Bago ko buksan ang pinaka pinto ng rooftop ay naririnig kong nagtatawanan sila.

"Siguro kaya pinagbihis mo ko ng ganito dahil lalabas tayo. Saan mo ba ko dadalhin?" Boses ni Clarissa.

"Basta, secret nga eh." boses ni Nixon,

"Nixon,"

"Hmmm,"

"Gusto mo ba malaman kung bakit ako nakipaghiwalay kay Blaze?"

"Sabi mo dahil nagsawa kana?"

"Tama ka, kasi alam mo na pagtanto kong kaya ako nagsawa kaagad sa kanya dahil may iba pala akong gusto."

"Talaga? Sino?" sa boses pa lang ay halata  ang excitement malaman ang totoo.

"Pero mag-promise ka muna sa akin na kapag nalaman mo hindi ka magagalit o iiwas."

"Tssk, may dahilan ba ko para magalit? Sino nga ba yan at para makilatis ko?" bahagya kong binuksan ang pinto. Nakita ko silang nakatayo habang magkaharap.

Hinawakan ni Clarissa ang kamay ni Nixon. Napahawak ako sa dibdib dahil may kung anong kaba o kirot akong naramdaman.

"Hindi mo naman kailangan gawin yun," ang ganda ni Clarissa sa ayos niya at suot na Dress, mas umangat lalo ang ganda niya.

"Nixon,"

"Oh, sabihin mo na para makilatis namin ni Klea," tawa naman ng tawa.

Tumikhim si Clarissa, "Speaking of.... Ano na ba status nyo ni Klea?"

"Status?" mukhang hindi niya kuha ang ibig sabihin nito. Pero ako kuhang-kuha ko na.

"Ano ba bestfriend forever na lang ba o may pag-asa?"

"Uhm, hindi ko alam," mas nanikip ang dibdib ko.

"Kasi, parang wala naman akong halaga sa kaibigan natin. At kung meron man, bilang bestfriend lang."

"May sasabihin ako sayo pero wag mo na sabihin kay Klea ah?"

"What?"

"Alam mo tanga siya at bulag din at the same time. Nasa harap na niya yung lalakeng karapat-dapat mahalin naging bulag pa siya sa pagmamahal kay Amir."

"Love is blind~" wika pa ni Nixon, napapikit ako, tama siya love is blind.

"Love is just like a storm, you don't know when to hit. Ibig kong sabihin, hindi mo alam nasa harap mo na pala ang isang bagyong magpapatama sa puso mo."

Tumawa, "Ang korny ha? Pero teka,sino nga ba yung lalakeng nagugustuhan mo?" Muli ko silang sinilip. Sa pangalaw.a.n.g pagkakataon hinawakan ni Clarissa ang kamay niya.

"Bestfriend, alam kong mali pero--- hindi ko naman sinasadya. Parang yung feelings mo lang kay Klea,'di ba hindi mo naman sinasadya yun? Kasi ganitong-ganito ang nararamdaman ko para sayo eh,"

"ano?"

"Gusto kita. Nixon, gustong-gusto kita. Iyan ang sinasabi ng puso ko. At hindi maitatanggi ng sarili ko. Gusto kita." napakapit ako sa tela ng Dress,

"P-pero... paano si Klea? B-baka isipin niyang---"

"Anong iisipin? h.e.l.lo~ may Amir na siya. Wag mo sabihin patuloy kapa rin umaasa sa Bestfriend natin?"

"Hindi naman sa ganoon," nagulat ako dahil may pumapatak na ng luha sa aking pisngi. Iba na yung pakiramdam na pinag-uusapan ka ng mga kaibigan mo. Hindi dahil galit sila sayo kundi nag-aaminan sila ng feelings.

"Oh, ano pa ba ang ikinababahala mo? Lagi sinasabi sa'kin ni Klea na dapat tayo na lang dalawa. Siguro sa kasasabi niya ng ganoon bigla akong na gising sa katotohanan."

"Pero syempre, baka mshock yun."

"Hindi, ako na nagsasabi sayo. Kapag umamin tayo sa kanya na gusto natin ang isa't-isa baka matuwa pa yun!" tinakpan ko ang bibig ko ng kamay, ilang sandali na lang at magagawa kong humikbi ng malakas. Umaagos ang luha ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Pero----" hindi na pinatapos ni Clarissa ang sasabihin ni Nixon ,kaagad niyang hinalikan ang labi nito. Nung una hindi tumutugon si Nixon pero sa huli kusang mga labi na niya ang umaangkin sa labi ni Clarissa.

Bakit nga ba ko nasasaktan? Bakit nga ba ko lumuluha? Bakit nga ba hindi ako masaya nakikita silang maligaya sa isa't-isa?