Potion Of Love - 37 Chapter 36
Library

37 Chapter 36

"Hindi naman na ko umaasa." Depensa ko na lalong ikininis nito.

"Talaga ba? Pa'no ,sa paanong hindi umaasa? Nixon, kung talagang bukal sa puso mo ang nangyari dapat may girlfriend kana."

"Hindi girlfriend ang sagot sa gaya kong na friend zone.Kailangan ko ng tulad mo,o tulad nyo ni Klea na magcocomfort sa'kin."

"Pa'no ka nga nya I comfort kung sa iba lang sya nakatuon.Oo,mabuting kaibigan si Klea pero balewala lahat ng pinagsamahan nating tatlo kung pagdating kay Amir lahat maganda sa kanya.Dinaig pa ang New Year Resolution na hindi matanggal sa list."

Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri.

"Basta nandito lang ako.Kapag kailangan nya ng isang kaibigan,handa akong tumulong at pasiyahin sya."

"Uso pa pala ang martir na kaibigan noh? Samantalang ang iba kapag alam nilang friend lang,hahanap kaagad ng ipapalit.Bakit kaya hindi mo sila ganyahin. Sabay sa agos ng buhay."

"Sya ang buhay ko." Malungkot kong sabi.

"Alam mo,idaan nalang natin yan sa beer." Inilabas nito ang dalaw.a.n.g beer mula sa refrigerator. "Common na sa'tin yung nagmahal,nasaktan,nagmove-on tapos hanap ng iba."

Totoo yun,pero hindi lahat sa paghahanap ang katapusan.

"Parang love story or tragedy story lang yan.Ang story nyo ni Klea, tragedy dahil naging mabuti naman ang pagsasama nyo pero sa huli hindi rin nagkatuluyan.Like sa'min ni Blaze sa una hindi kami okay pero sa huli kami pa rin.Ganoon nga siguro ang stories ng bawat tao.May kanykanyang flow ng kwento."

"What if... kami naman pala talaga.What if... sa huli marealise ni Klea ang ugali ni Amir."

"Hmm, what if may mas deserve pa kay Klea? What if , nakasarado lang yang puso mo sa iba dahil sa kanya? What if, sa kakahintay mo na maging happy ending kayo eh,yung babaeng para sayo wala na."

"Ede mainam para sa huli si Klea pa rin ang makakatuluyan ko." Natapik sa noo si Clarissa dahil sa mga sinabi ko.

"Ewan ko sayo.Ang pag-ibig nakakabobo sa matalino.Nakakabulag sa malinaw na paningin.Ewan ko sayo."

"Pasensiya kana kung ganito ang kaibigan mo.Tulad lang nya ko nagmamahal, umaasa." Buntunghininga nya kong niyakap sa leeg.

"Mahaba pasensiya ko sa mga taong gaya nyo ni Klea. Pasalamat kayo dahil may isang Clarissa ang nandiyan para sainyo.Pa'no nalang kung mawala ako? Paano na kayo." Hinila ko ang dulo ng hibla nang kanyang buhok.

"Araaay!"

"Minsan mag-iingat ka rin sa mga binibitawan mong salita."

"Iba naman ang sinasabi ko."

"...pero ganon din yun."

Iiling-iling nyang inubos ang beer."Tawagan mo sya.Pupunta yun dito kapag inaya mo."

"Alam mo nakakatulong ka, Promise."

"Bakit na naman?"

"Nasasaktan na nga yung tao." Inis kong sabi.

"Labanan mo kung ano nararamdaman mo.Minsan mas mainam yung nakikita mo ang taong sanhi ng iyong pagkabigo atleast masasanay kana at hindi mo sya hahanap hanapin."

"Daming alam."

"Of course!" Sabay kindat."Call her na."

"Ba't hindi mo try?" Iritable kong utos.

"Ba't ikaw hindi mo try?" Ulit nya sa utos ko.

"Mas malapit kayo sa isa't-isa." Mariin kong sagot.

"Kami nga ba o kayo?" Dilat na dilat ang mga mata.

"Parehas lang naman." Natigilan kami pareho ng may nagsalita mula sa pintuan ng kusina."Kayong dalawa pareho kong kaibigan 'di ba?" Pumasok nang tuluyan at k.u.muha ng maiinom na tubig.

NakJacket ito,jogging pants,at rubber shoes.

"Nag-Jogging ka?" Paniniguro ni Clarissa.

"Yup." Seryoso nitong tugon.

"Kahit gabi?"

"Oo naman,walang masama mag-Jogging kung gabi."

"Ah,alam ko na.Para nga naman hindi gastos sa pamasahe papunta rito.Ayos ,matalino ka nga."

"Salamat. Ano nga ba yung pinag-aawayan nyong dalawa?"

Nagkat.i.tigan kami ni Nixon."Ah balak ko kasi papuntahin ka rito sa bahay.So,inutusan ko syang tawagan ka pero ayaw nya.Mukhang hindi ka nya gustong makita."

Anak ng.... Ano bang pinagsasabi ng Clarissa na ito.

"Totoo? Bakit?" Tanong sa'kin.

"Hindi! Wala akong sinabi na ganyan!" Bulyaw ko.

"Naks,Defensive!" Malakas na tawa ang narinig namin kay Clarissa.

"Dyan na nga kayo."

"Oh, saan ka pupunta?" Si Clarissa.

"Uuwi.Ayokong masira ang gabi ko sa pang-aasar mo."

"Nag-umpisa na naman kayo." Satsat ni Klea sa'min.

"Joke lang." Sumampa lang naman ang Clarissa sa likuran ko.

"PST! Hoy! b.u.maba ka nga! Ang bigat mo,ano bang timbang mo at parang mabigat kapa sa dalaw.a.n.g kaban ng bigas!"

"Hoy! Ang kapal mo!" Binatukan ako.

"Totoo naman ah! b.u.maba ka nga, ilalaglag kita!"

"Ede gawin mo." Nag-aasar kami ng kaibigan kong ito ng mapansin kong nakatingin lang  sa'min si Klea. Maging si Clarissa ay natigilan at b.u.maba mula sa likuran ko.

"May problema ba Klea?" Tanong ni Clarissa.

Umiling, "Wala. Uhm,may beer ka pa?"

"Luh? Bakit? Hindi pwede,kami lang ni Nixon ang pinayagan ni Mommy uminom."

"Ganoon? Tandaan nyo magkakedad lang tayo,kaya pwede rin ako dyan."

Sumenyas ako na bigyan nalang kaysa mag-away pa kami.

"Isa lang." Sabay nya rito ng beer.

"Isa lang talaga para antukin ako." Sa'kin tumingin.

"Ah, maiwan ko muna kayo.Mag-shower lang ako." Paalam ni Clarissa sa'min.

"Geh," sabi ko.

"Kamusta kayo ni Amir?" Hindi ko matiis alamin kung ano na nangyayari sakanila.

"May konting tampuhan lang."

"Baka ang konti,malaki na pala."

"Wala yun.Bukas, tignan mo magpapansinan din kami." Diretsong lagok nga sa beer.

"Ayusin nyo nalang."

"Bakit ganoon Nixon?" Iinumin ko na sana ang huling lagok ng magtanong sya.

"Ano?"

"Bakit ganito nararamdaman ko." Kagat labi itong nakayuko.

"Masama pakiramdam mo?" Umiling."Ano ba ibig mong sabihin?" Tumingin sa'kin ng diretso.

"Darating sa punto na mapapaG.o.d ka sa isang bagay kapag paulit-ulit nalang." Makahulugan nyang wika.

"Kung away at tampuhan ang tinutukoy mo natural lang sa isang relasyon yan." Umiling muli."Bakit hindi mo sabihin sa'kin kung ano ang pinupunto mo?"

"Isang araw, naramdaman ko nalang na paG.o.d na ko.PaG.o.d sa lahat ng bagay.PaG.o.d umunawa at paG.o.d umintindi sa taong mahirap unawain."

"Si Amir ba itong tinutukoy mo?" Nag-nod.

"PaG.o.d kana dahil paulit-ulit nalang,ganoon ba?"

"Oo."

"Isipin mo, ilang taon ka ba nagpakatanga sa kanya?" Kunot noo nya kong binalingan ng tingin."Ilan taon ka umasa na mapansin ka nya? Dahil lamang sa paulit-ulit na bagay napaG.o.d kana.Huwag kang mapaG.o.d.Ipaglaban mo kung ano ang nasa puso mo."

"Ikaw," Malungkot nyang sabi."Bakit hindi mo ko pinaglaban?"

Sumilay ang ngiti sa aking labi."Kung ipaglalaban ko itong nararamdaman ko.Tingin mo ba mana.n.a.lo ako?"

"Ewan."

"Hindi ang sagot dyan.Hindi lahat ng bagay dapat ipaglaban. Lumaban ka kung may laban pero kung walang kakayahan para lumaban, huwag nalang." May mga tumulong luha sakanya.

"Huwag kanang mag-alala sa'kin Klea.Matagal ko nang tanggap.Marahil mahirap kang kalimutan pero atleast yung paglaya ko ang naging dahilan para mabawasan ang sakit.Nandito pa rin naman ako bilang kaibigan mo.Kung kailangan mo ko,darating kaagad ang isang Nixon para lang pasayahin ka."

"Dati naman ginagawa natin 'to pero bakit ganoon.Simula ng malaman ko ang totoong nararamdaman mo sa'kin parang naguluhan ako."

"Naguluhan?"

"Oo,iba kasi yung impact ng pag-amin mo."

"May impact dahil na dissapointed ka.Umaasa kang iba ang gusto ko dahil nasa isip mong pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo.Ganoon nga siguro ang impact na sinasabi mo."

"Yung pagbabago ba nang nararamdaman ng isang tao ibang impact pa rin ba yun?"

"Ha?"

"Nakakatawa pero, ang totoo nyan naisip kong kaya siguro magkaibigan tayo dahil may pagkakatulad ang ugali natin o may bagay na pinagkakasunduan natin."

"Marahil~"

"Hindi pa naman siguro huli ang lahat." Huling wika nya bago umakyat sa taas.Laking palisipan sa'kin ang iniwan nyang sinabi.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat....

Hindi pa naman siguro huli ang lahat....

Hindi pa naman siguro huli ang lahat....

To be continued :)