Potion Of Love - 4 Chapter 3
Library

4 Chapter 3

"Sino ka naman?" Reply ko at kunwari 'di ko kilala.

"Amir." Ngumiti ako tapos nireplayan ko pa.

"Ah okay."

Matagal bago ulit siya nag text."Hoy, Pandak na kulot!"

"Ano bang kailangan mo? Paano mo nalaman ang number ko?" Kinikilig ako. Ayie.

"Wow naks,hinahabol ng gwapo. Wag mo isipin na kaya kita tinext dahil gusto kita! Napilitan nga lang ako eh! Kainis."

"Oh talaga? Eh bakit nga kasi nag text kapa? Laking abala ko pala sayo tapos nag aksaya kapa ng oras sakin!"

"Wag ka muna mag a.s.sume ha? Pintext ka kasi ni Ma'am Faustino sakin.Kasama ko siya ngayon."

"Oh? Tapos?"

"Magkita raw kayo bukas sa bahay nila.Alam mo naman siguro kung saan di ba? Oh siya! Babus.h.!.+ Baka isipin mo gustong-gusto kita ktext Hmp! Wag kana mag reply!"

"Eh anong oras ba?" Pangungulit ko.

"Bahala ka raw. Wala naman pasok bukas eh kaya nasa bahay lang siya! Wag kana nga mag text ! Erase mo kaagad ang number ko! Wag mo yan ipamimigay sa iba! Papatayin kita kasama lahi mo kapag ginawa mo 'yon!"

"Woow na takot ako doon ah?" Lalo ko ngang inasar.

"Talagang dapat kang matakot dahil sa gwapo ko."

"Ang hangin.Erase mo rin number ko baka masapian ka at I text mo ko ng I love you eh maniwala pa ko!"

Two minutes bago na naman ako nakatanggap ng reply niya.Halos maibalibag ko ang cellphone sa sinabi niya.

"I love you."

"Okay ka lang?" Usisa sakin ni Nixon na sarap na sarap sa kinakain.

"Ha? Ah Oo. Oo naman." Muli kong kinuha ang cellphone para replyan siya pero may isa pa siyang text sakin.

"In your dreams! ! Asang-asa ka naman noh! Kahit siguro pumuti ka hindi kita magugustuhan!"

Sumimangot na lang ako at di ba siya nireplyan.Ang kagagahan ko naman sinave ko pa rin ng number niya na Future BF .Binura ko ang mga message niya except doon sa 'I love you ' na text nito.Baka pwede araw-araw akong inspirado Salamat amir! :)

"Anong ningingiti ngiti mo diyan?" Kanina pa pala ako tinitigan ni Nixon.

"Ah? Wala."

"k.u.main kana." Utos sakin.

Kaagad naman akong k.u.main at di makapaniwala na mag tetext sakin si Amir tapos may I love you pa kahit na hindi naman talaga para sakin yon eh okay lang naman.

"Sa Sunday na yang concert ng A1 baka naman makalimutan mo.."

"Talaga? Sunday na?" Muli kong tinignan ang ticket.

Nandito kami ngayon sa likod bahay para magpa hangin.

"Umayghad! Mismong birthday ko 'to wah?" Halos di nako maka hinga sa nararamdaman ko.

"Kaya nga sakto di ba? May gagawin ka ba bukas? Labas tayo.Kasi nga hindi kita makakasama sa mismong araw ng birthday mo."

"Pupuntahan ko si Ma'am Faustino sa bahay nila bukas."

"Anong oras?"

"Baka mga tanghali na lang.Maglalaba pa ko ng umaga. Alam mo na walang pasok bukas tapos Sunday naman aalis nga ko at birthday ko kaya naman dapat bukas pa lang ng umaga tapos na lahat ng gagawin ko."

"Napaka bait na anak.Kaya gustong-gusto kita maging kaibigan dahil sa pagiging mabuti mo."

"Salamat.Kayo rin naman ni Clarissa mabait at lalo na sakin."

"Kasi totoo ka at hindi peke.Mas gusto naman ang gaya mo dahil panatag kami na pagkakatiwalaan ka."

"Syempre naman.De bale nga walang maraming kaibigan ang mahalaga kahit dalawa o tatlo lang kayo alam nyong walang lokohan at lahat pagkakatiwalaan."

"Uhm.Matagal ka ba kila Ma'am Faustino?"

"Hindi ko alam eh."

"Ganoon ba ? Sige I text mo na lang ako bukas pagka galing mo sa kanila para masundo kita ha."

"Okay.Kasama mo na ba si Clarissa non?"

"Ay hindi eh.may ibang lakad siya.Inaaya ko kaya lang hindi raw pwede na hindi siya magpunta doon."

"Ah ganoon ba? Okay."

"Uuwi na ko.Basta mong kalimutan na itext ako ha?"

"Yes Nixon! Ingat ka sa pag- uwi." Maglakad kami papasok sa bahay at nag paalam na nga si Nixon sa mga magulang ko.

Nag linis na muna ko sa kusina bago pumasok sa kwarto at gawin ang a.s.signments.Kailangan lahat ng ito ay matapos ko para pag uwi ko sa Sunday matutulog na lang.

"Anak." k.u.makatok si Nanay.

"Bukas po." Wika ko kaya naman pumasok na ito.

"Oh. Bakit ngayon mo ginagawa yan?"

"Para po ma tapos kaagad.Ahm oo nga pala Nay may ibinigay sakin na ticket si Clarissa. Concert ng A1 sa sunday pa birthday na rin daw sakin."

"Mismong birthday mo."

"Sa Sunday po mismo."

"Hindi ka ba mag hahanda?"

"Hindi na Nay. Kahit mag luto lang tayo ng pansit okay na sakin yon.Mas may pinag-gagastusan pa tayo.Ang mahalaga naman doon makapag birthday pa ko."

"Ang bait at understanding talaga ng anak namin.Sana wag mo kami kalilimutan kapag nagktrabaho at asawa kana."

"Nay,bata pa ko."

"Doon din naman ang punta."

"Pero matagal pa yon.Bukas po ako na lang mag lalaba para po sa tanghali puntahan ko na si Ma'am Faustino."

"May project ba kayo?"

"Wala naman po.Baka may ipapagawa lang."

"Ah Sige.wag mo na idamay yung damit ng kapatid mo dahil siya na bahala doon." Ngumiti ako."Matulog kana pagkatapos mo diyan."Paalam sakin ng isara nito ang pinto.

Kaagad ko rin naman na tapos ang a.s.signment kaya humiga na ko at pinagmamasdan ang cellphone. Hindi pa rin talaga ako maka move on sa message sakin ni Amir.Binuksan ko ang music ng cellphone at pinakinggan ang songs ng A1.

Konting tulog na lang A1 magkikita na rin tayo.Nakatulugan ko na nga ang cellphone na tumutugtog kaya ng magising ako umaga lowbat ang cellphone. Chinarge ko na muna tapos nag laba ng maruruming damit syempre sinama ko na rin yung damit ng kapatid ko kahit ayaw ni Nanay ng ganoon. Gusto kasi niya na matuto kami sa mga gawaing bahay para kung nasa ibang bahay kami kusa kaming tutulong.Kusot lang ang ginawa ko dahil hindi pa naman napapagawa yung was.h.i.+ng namin.Kapag ako talaga yumaman? Bibilin ko na yung Front-load washers ! Haha oh di ba? Yayamanin ang Peg ng lola nyooo! Hahaha.

Ngayong hindi pa ko mayaman tiis muna ako sa kusot -kusot dahil wala pa kong pera na higit sixty thousands. Pang dryer nga lang di ko pa ma bili yong Front-load washers pa kaya? Pero sabi nga nila walang masamang mangarap. Ang masama don kung hanggang pangarap lang.Kaya naman pinagbubutihan ko ang pag-aaral ng makatapos man ako ay makahanap na ko ng maayos at magandang trabaho ng sa gayon ay hindi naman mag tricycle driver si Tatay at hindi na rin mag trabaho si Nanay Kay aling Carlota. Alas onse ako na tapos sa paglalaba,k.u.main muna ako ng tanghalian dahil ginutom ako ng husto.Pagkaraan ay nagpaalam din kaagad ako Kay Tatay para mag punta kina Ma'am Faustino. Hinatid naman niya ko kaya hindi na ko mahihirapan pang maglakad.

"Tao po." Tawag ko.May doorbell nga pala rito sa gate nila tsaka ko pinindot

Nag bukas nito ang isang kasambahay nila na babae.Mukhang bata pa naman

"Yes po?" Usisa niya.

"Si Ma'am Faustino po ba Nandiyan?"

"Ikaw si Klea ?"

"Opo. "

"Pasok ka.Kanina kapa hinihintay ni Madam." Pumasok kami sa loob sinundan ko siya hanggang sala.Naka upo si Ma'am Faustino sa sofa nila habang nanunuod at naka harap sa laptop.

"Ma'am si Klea nandito na po"

"Klea! Tara upo ka!" Masaya niyang pinan unlakan ako maupo sa sofa nila puting sapin. Parang nakakahiyang upuan dahil baka k.u.mapit doon ang dumi sa aking katawan.

"Akala ko naman hindi ka darating." Aniya

"Pasensiya na po. Nag laba pa kasi ako."

"Ah ganoon ba?" Tinignan niya ang kamay ko at hinawakan."Ohh.Grabe ,ang dami mong sugat sa kamay."Lumingon banda sa likuran ko."Manang ,Pakilabas nga po yung medicine kit."

Mabilis naman sumunod ang mga ito sa utos ni Ma'am Faustino.

"Nag kusot ka lang ba? Nasaan ng was.h.i.+ng nyo?"

"Eh.Sira po. Nasa pagawaan pa." Sagot ko.

"Gaano ba kadami yang nilabhan mo? Grabe ,puro sugat ang kamay mo eh."

"Konte lang naman po yun ma'am.Sanayan na lang po talaga."

Tinitigan niya ko at ngumiti."Napaka bait mo na masipag kapa.a

Ang swerte ng mga magulang mo sayo."

"Hindi naman po sa ganoon." Nahihiya kong sambit.

"Uutusan pa naman sana kita na chekan ang mga test papers nyo.Debale yung pamangkin ko na lang ang gagawa."

"Hi t.i.ta!" Narinig kong boses ng lalake.

"Oh eto na pala si Amir." Tumayo siya.

"Amir?" Tanong ko sa sarili at hindi nga ko nagkakamali ng dinig si Amir nga!

May kasama siyang isang Lalake. May kulay ang buhok,maputi ,slim at may hikaw sa kanyang sa kanang tenga nito.Mukha siyang badboy pero parang hindi naman dahil naka smile sakin.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Iritang tanong sakin ni Amir ng tumayo ako para makita siya.

"Hoy! Anong arte yan amir? Pinapunta ko siya dahil chechekan sana niya yung test papers kaya lang puro sugat ang kamay niya." Tinitigan niya ko sunod sa kamay ko naman.Itinago ko kaagad ito sa likuran kahit medyo mahapdi pa rin.

"May pupuntahan kami ni Blaze t.i.ta." Atungal ni Amir.

"Dude! Dito na lang muna tayo.Mamaya pa naman yung party." Lumapit sakin yung lalake at nakikipag kamay.

"Blaze nga pala." Hinihintay niya ko tapos ngumiti."Ah sorry may sugat nga pala kamay mo." Tinapik nalang niya ang balikat ko at naupo sa sofa.

"Ma'am. Ah..kamag-anak nyo po si Amir?" Lakas loob kong tanong.

"Oo. hindi mo pa ba alam? Kapatid ko ang Daddy ng dalaw.a.n.g yan." Lumingon ako kina Amir at Blaze ng ituro ni maam.

"Uh..Okay po.Hindi ko po alam ngayon lang po nalaman talaga.."

"Bobo mo.Kaya nga pareho kaming Faustino eh."

"Ang alam ko kasi Go ang apilyedo mo."

"Bobo talaga.Malamang sa Mommy ko yun!"

"Amir! Bakit ba ganyan ka makipag usap Kay Klea.Maupo kana nga rito para tapusin yan.Monday ko na kailangan yan kaya please ,pagtulungan nyo yan ni Blaze."

"Ma'am. Uuwi nalang po siguro ako."

"Mamaya na lang Klea.Dito kana muna.May pinahanda akong meryenda para sainyo.Maiwan ko muna kayo wah.Aakyat lang ako sa taas."

"Ah Sige po." Nanatiling naka tayo lamang ako habang ang si Blaze ay abala sa pag-checheck ng test at si Amir naman ay masama ang tingin sakin.

Sinandal ko na muna ang aking bandang puwitan sa back ng sofa dahil nahihiya akong maupo muli.

"Miss Klea." Hinawakan ni Blaze ang pulsuhan ko."Dito ka sa tabi ko.Kwentuhan tayo.Ibang Academy kasi ako nag aaral kaya di kita kilala. Mga kilala ko lang yung barkada ni Amir at Girlfriend. " naka hawak pa rin ito sa pulsuhan ko.

Naka tingin pala si Amir samin kaagad din naman yumuko na kunwari walang nakikita.

Para wala ng pilitan.Tumabi na ko sakanya at kinausap siya.

"Section A ka rin ba?" Unang tanong ni Blaze.

"Hindi eh."

"B?"

"Hindi rin."Nag isip siya.

"Ahh last section???" Di naman siya sure kung tama ba yung sinabi niya.

"Oo, last section nga ko."

"Talaga? Adviser mo pala si t.i.ta Rita." Bulalas nito habang abala sa pagchecheck ng papers.

"Ganoon na nga." Mahina ko pa ring sabi kaya naman biglaan siyang lumingon sakin.Yung mata niya may contact lens na kulay green.Ang gandang pagmasdan parang koreano ang dating.

"Maganda ka sana." Ay grabe. Akala ko pa naman mabait siya ."Nagkulang ka lang sa ayos pero maganda ka." Compliment ba yun?

"S-salamat."

"Hindi siya maganda." Epal na Amir .Okay na eh.Basag trip.

"Dude ! Bulag ka ba?" Nakangiti nito Kay Amir.

"Mas pipiliin ko na nga lang ba mabulag kaysa makita siya.Tsk." kinuha ang isang test paper at galit itong nag check.

"Hay naku.Hindi pa rin talaga nag babago." Sabi sakin ni Blaze.

Ngumiti lang ako kasi totoo naman na mayabang ito at masama ugali pero diko alam na since birth na pala yun.

Tumulong na lang ako mag bigay sa kanila ng bawat test paper kung anong sections iyon.Hangang-hanga naman si blaze dahil kabisado ko raw ang bawat section na wala man lang kopya sa books.

Apat na section lang naman ang Fourth year kaya hindi na mahirap kabisaduhin yon tsaka kami kami lang din ang nag aaral doon simula nong first year kami.

"May boyfriend kana ba Klea?" Naubo naman itong si Amir.

"Ha? Naku. Hindi ko priorities yan!" Bigla naman lumuwag ang ngiti ni Blaze ng sagutin ko siya .

"Pero patay na patay sakin." Binulong pa ni Amir pero dinig ko naman.

"Kayo bang dalawa may nakaraan??" Nakatingin si Blaze saming dalawa.

Wala ah!!

Galit na tanggi ni Amir habang ako naman ay mahinahon sa sagot.

"Kanina ko pa kasi napapansin na mainit ulo sayo ng pinsan ko eh."

"Siya lang Dude ang patay na patay sakin kaya wag kong idadamay diyan." Tumayo ito para lumayo samin ni Blaze.

Medyo na inis lang ako sa sinabi niyang Patay na patay.Ganoon na ba ko ka obvious para sabihin niya yun? Ako? Patay na patay sakanya?? Ugh ..SIGURO NGA.