"Nay!"
"Tay!!"
"Jomel!"
Aba't wala yatang tao.Dati-rati kapag sumisigaw ako tumutugon sila.
"I'm Home !" Masaya kong sigaw.
"Hi Klea." Mahinang tawag ni Ma'am Faustino saakin.
"Ma'am,nandito po kayo?" Pumasok siya sa loob at nagbigay galang sa mga matatanda.
"Kanina kapa hinihintay ng Guro mo." Sabi ni Tatay.
"Bakit po?" Naupo ako sa tabi ni Ma'am.
May inilabas itong kwintas,na tatandaan kong ito 'yong kwintas na dapat ibibigay sakin pero kinuha rin ni Amir.
"Ang tagal ko na sanang ibinigay ito."
"Ma'am?"
"Klea,may aaminin sana ako sayo.Nakapag-usap na kami ng parents mo." Tumingin ito sa mga magulang ko."Sasama kana sakin." Pabalik-balik kong tinignan silang tatlo.
"Saan po tayo pupunta?"
"Sa bahay kana t.i.tira."
"Po?! Bakit naman po? Anong meron?"
"Anak ,sumama kana." Malungkot na utos ni Nanay.
"Sumama kana sa tunay mong Magulang." Napatayo ako sa pagkabigla nang aminin ni Tatay.
"Nay ,Tay ano ba 'to? Joke time ba 'to? Anong sinasabi nyong tunay na magulang.Kayo ang magulang ko ,kayo lang 'di ba!"
"Klea." Tumayo si Ma'am at lumapit. "Patawarin mo sana ako kung hindi ako ang kinilala mong magulang.Patawad,dahil ibinigay kita sa kanila." Malungkot na siwalat ni Ma'am.
"Ikaw ang totoo kong magulang?" Lahat sila ay tinignan ko.
"Baby ka pa nung ibigay kita sa tumayong magulang mo.Ginawa ko lang naman 'yon dahil ayokong malayo ka saakin ng mga magulang ko.Hindi nila tanggap ang Tatay mo,kaya gusto nilang ilayo ka nila sakin.Itinakas kita, at ibinigay sa t.i.to at t.i.ta ko."
Ibig sabihin nito ,Sina Nanay at Tatay ang t.i.to at t.i.ta niya? Ibig sabihin nito ,Hindi ko sila magulang kundi Lolo at Lola.
"Kung ganoo,Magkamag-anak kami ni----Ni Amir." Hirap na hirap akong huminga.
Sa sobrang pagkabigla ko ay tumakbo ako palayo.Kasabay ng ulan,b.u.mubuhos ng pighati at kasawian.Hindi ko naisip na pwede palang mangyari ito.BAKIT PUMAYAG SILANG MAPALAPIT SAKIN SI AMIR KUNG ALAM NILANG MAG PINSAN KAMI! BAKIT! BAKIT!
Sinubukan kong pumasok sa Chapel.Hapon pa naman kaya mas marami ang tao na nagsisimba.Sinisisi ko ang sarili ko,bakit ganoon? Bakit si Amir pa?
Nagvibrate ang cellphone ko mula Kay Amir ang text.Hinihintay na raw niya ako sa ihawan kung saan kami kakain kasama sina Nixon ,Clarissa,at Blaze.
Si Nixon naman ang tumatawag saakin, pero hindi ko sinagot.Lumuha ako nang lumuha,may kaonting galit akong nararamdaman dahil bakit, hinayaan niyang mangyari ito.Bakit kailangan magsinungaling pa ng lahat nang tao para itago ang totoo?
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Usisa ng kung sino.
"May problema ka ba?"
Niyakap ko siya ng sobrang higpit.Nagsumbong na parang bata.
"Talaga bang totoo mong Nanay si Ma'am Faustino?" Ulit pa.
"Oo,hindi ko alam ang gagawin ko.Please Nico,ilayo mo ko ngayon,ayoko muna silang makitang lahat." Humagulgol na naman ako ng iyak.
Isinakay niya ko sa kotse na wala man lang imik.Hindi niya ko dinala sa kanilang bahay bagkus ay dinala niya ko sa isang hotel.Doon kami nag palipas ng araw at gabi.Hindi na nga matigil ang cellphone ko kakatunog at kakailaw dahil sa mga text at call nilang lahat.Alam kong nag-aalala sila saakin,pero ayoko na muna silang makita,labis nasasaktan ang aking damdamin.
"Sigurado ka ba na hindi kapa uuwi? Nag-aalala na sila.Ilang araw na rin tayong hindi pumapasok."
"Pwede naman,iwan mo ko." Nakadapa kong sabi."Tulad ng mga ginawa nila.Sige,umalis kana.Sasanayin ko na itong sarili ko na mag-isa."
"Nag-aalala lang ako."
"Iwan mo na ko please." Tumatangis kong pakiusap.
Tumayo siya ,akala ko may gagawin lang pero lumabas ito na may dalang bag.Mas lumakas ang tangis ko,mag-isa na nga lang talaga ako.MAG-ISA.Nakatulugan ko ang pag-iyak hanggang sa magising akong patay ang mga ilaw,marahil ay gabi na at kailangan ko nang k.u.main dahil nakaramdam ako ng pagkalam sa sikmura.Kinabahan ako ,nang may k.u.matok sa pintuan,wala pa naman akong inoorder na pagkain.Tumayo ako upang buksan ang pinto,hindi ko inaasahan ang isang bisita.
"Kamusta na?" Malungkot na tanong niya sakin."Papasukin mo naman ako Love." Nangilabot ako sa huli nitong tawag.
Hindi ko maisip na natatawag pa niya kong Love samantalang magpinsan kami.Pinapasok ko siya,ngunit hindi ko ito inalayan ng yakap at halik ng tangkain niyang gawin sakin ito.Hindi talaga siya nag-iisip.
"Two days and Three nights kanang hindi umuuwi Klea.Umuwi kana, nag-aalala na sayo ang Mama mo at mga lolo at Lola."Matalim na tingin ko siyang tinignan habang b.u.mubuhos ang aking mga luha.
"Bakit ba parang napakadali para sayo na tanggapin ito? Mag-pinsan tayo Amir,at hindi ko matanggap 'yon.Ginawa ko lahat para mahalin mo rin ako pero na balewala ang lahat ng malaman kong magkdugo pala tayo.Naiinis ako sa sarili Amir, naiinis ako dahil hindi pa rin kita makalimutan.Kulang ang isang daang libong taon para kalimutan kita."
"Nauunawaan ko naman kung ano ang nararamdaman mo.Kausapin mo silang lahat. Ayusin natin 'to, ayokong mawala ka ,mawala ng ganon ganoon lang."
"Pero heto oh! Nandito na tayo Amir! Hindi naman mahirap tanggapin na kung sino ang tunay kong magulang dahil naging mabuti naman saakin si Ma'am Faustino pero yung Mag pinsan tayo? Amir! Mabuti pangmamatay ako kaysa mabuhay akong nakikita ka." Yumuko ako sa sama ng loob.
Ngayon palang sana ay kunin na ko ng Ama, sana hayaan niyang mawala ako kaysa pahirapan ang sarili.
"Huminahon ka Klea."
"Paano?! Paano ba Amir! Paano ba kita makakalimutan! Paano!" Niyakap niya ko nang sobrang higpit.
"Huminahon ka ,pakiusap Klea." Pagsusumamo sakin.
"Hindi ko kaya,hindi ko kaya Amir!" Hinalik-halikan niya ko.
"Stop! Wag Amir! Ano ba!"
"Mahal kita Klea,mahal kita!"
"Bitawan mo ko! Bitaw!" Itinulak niya ko sa kama kaya napahiga ako.
"Amir ,kung ano man yang iniisip .Alalahanin mo ,mag pinsan tayo." Kalmado kong sabi.
"Mahal naman natin ang isat-isa 'di ba? Bakit kailangan natin masaktan kung mahal naman natin ang isat-isa."
"Dahil mali."
"Mahal kita Klea,kung gusto mong mamatay, mas pipiliin ko na rin mamatay."
Natulog kaming magkasama ngunit hindi namin ginawa ang bagay na hindi naman dapat. Hindi na simpleng crush o pagkagusto itong nararamdaman ko para sa kanya kung hindi MAHAL NA MAHAL KO NA SIYA.
"Good morning." Matamis niyang bati sakin kinaumagahan.
"Good morning,Amir."
"Umuwi na tayo,sasamahan kita."
"Wag na."
"Sasamahan kita hanggang sa magsawa ako sayo.Pakiusap, gusto ko lang naman iparamdam sayo itong nararamdaman ko bago tayo pag-layuin ng tadhana."
Wala na rin akong iba pang hinangad kundi ang mahalin siya.Siguro hanggang dito na lang talaga,sguro dapat nalang ako magpasalamat,dahil minahal niya ko kahit sa gawa ng isang Potion.