"Iiyak kana lang ba diyan? Wala ka man lang ba gagawin?"
Natigilan ako,pinahid ang mga nagbabahang luha sa aking pisngi.
"Nico..." Patakbo ko siyang niyakap.
"Bakit ngayon mo lang ulit ako tinawag sa first name ko?"
"Nico Lexon ," humihikbi kong tawag dito.
"Sssh....Tama na Bestfriend. Alam mo bang huli mong tawag sakin ng Nico nung umiiyak ka rin ng dahil kay Amir? Haaay Best ,grow up,hindi kana na sanay."
"Wag mo na nga ko sermonan ,nandito ka ba para pagalitan lang ako?"
"Kung maaari lang Bestfriend ,ipintindi kong dapat sumuko kana.Haaay."
"Mahal ko siya."
"Mahal ka ba?" Balik niyang tanong.
"Sabi niya."
"Sabi lang niya ,ginawa ba niya? Pinatunayan ba niya? Nakita mo naman 'di ba na wala siyang na gawa nang halikan siya ni Leny? Ni hindi ka nga sinundan para mag sorry."
Hindi na ko k.u.mibo.Tama nga naman si Nixon.Kung talagang nasa puso niyang may mali sya,susundan niya ko at magso sorry.
"Klea ,pinapahanap ka sakin ni Amir." Seryosong sambit ni Blaze habang nakatingin yakap ako ni Nixon.
Humiwalay si Nico at hinarap si Blaze.
"Hindi na magpaputo ang kaibigan ko,sa pinsan mo." Matigas na sambit nito.
Tinignan ako ni Blaze pero pag yuko lamang ang ginawa ko para tuluyang wag akong t.i.tigan.
"Kung gusto mong maging maayos kayo ni Amir,sumama ka sakin Klea.Alam mo naman na hindi niya ginusto yon."
"Hindi ,hindi siya sasama sayo.Kung bukal sa puso ng pinsan mo ang pag
hingi ng sorry ,siya ang lumapit dito para sumundo sa kanya." Banat muli ni Nixon.Umalis ng tuluyan si Blaze,gumiti sakin si Nixon at muling niyakap ako.
Dumaan ng isang minuto dumarating si Amir kasama si Blaze.Walang kaabog-abog, hinawakan niya ang kamay ko para hilahin palayo kay Nixon.Wala na ngang na nagawa ang kaibigan ko kundi tignan kaming palayo sa kanya,ramdam ko ang inis niya ,ramdam kong hindi siya okay.
Dinala niya ko sa field ngunit hindi na namin kasama si Blaze.
"Bakit kasama mo si Nixon?"
"Nico." Pagtatama ko.
"I know,Nico pangalan niya, tinatanong ko kung bakit mo siya kasama!"
"Sinamahan lang naman niya ko nung oras na hindi mo ko sinundan,nung hindi mo ko binigyan ng halaga."
"Ano bang sinasabi mo? Sinundan kita, kaagad ka naman nawala. Mabuti na kita ka kaagad ni Blaze at tinawagan niya ko,sinumbong niyang kasama mo nga si Nixon."
"Kaibigan ko si Nixon,alam mo naman 'yon 'di ba?"
"Oo alam ko ,pero parang 'di ko yata matatanggap na ako ang dahilan kung bakit nasasaktan ka ngayon.Ipinangako ko na 'yan 'di ba sa sarili ko? walang sino man ang maaaring manakit sayo."
"Pero nasaktan mo na ko Amir!" Naghigh tone ako sa inis."Kung mahal mo pa rin si leny,hindi naman kita pipigilan."kagat labi kong wika.
"Pinupush mo ba ko kay Leny? Ibinabalik mo na ba ko sa kanya? Bakit? Ano bang sinabi sayo ni Nixon? Siniraan ba niya ko sayo?"
"Hindi ganyan ang kaibigan ko." Tumahimik siya."Noon pa lagi siyang nasa tabi ko.Sa tuwing sinasaktan mo damdamin ko? Sina Nixon at Clarissa lang naman ang takbuhan ko para umiyak."
"Kung ganoon ,mas mamahalin mo na ba siya kaysa sakin ha Klea?"
"H-hindi."
"Yun naman pala. Patawarin mo na ko.Wag nating hayaan na tinatawanan tayo ni Leny dahil nagkalabuan tayo."
Natignan ko na siya sa mata.Muling tumulo ang aking luha at yakapin siya ng sobrang higpit.
"I'm sorry Klea.Simula talaga ngayon hindi ako papayag na halikan niya ko.Sayo lang naman nakalaan itong labi ko."
Nag-umpisa na naman ang pagiging sweet.Ugh.
"Hatid na kita sainyo."
"Sandali lang.Kukunin ko yong gamit ko sa locker."
"Samahan na kita."
Binaybay namin papuntang locker room.Hindi ko naman inaasahan na may bagong note yung secret admirer ko kaya nakita ito ni Amir.
"Sino 'to?" Nakataas ang kilay hawak ang note.
"H-hindi ko kilala." Iniwasan ko nalang siya ng tingin at sinimulang kunin ang mga gamit.
"Sino nga 'to? Tumatanggap kapa rin ng manliligaw kahit nililigawan na kita?"
"Hindi!" Depensa ko.
"Eh ano nga 'to? Sino 'to? Bakit may ganyan sa locker mo? Kailan pa yan? Sinagot mo ba mga notes niya sayo? Kilala mo na ba kung sino?" Napahampas nalang ako sa noo dahil sa mga sunod-sunod niyang tanong.
"Hindi ko siya kilala okay? Nagparamdam 'yang nagbibigay sakin ng Notes nung hindi pa tayo okay,at hindi ko yan sinasagot dahil wala akong ideya kung sino nga 'yan."
"Pero happy ka ba dahil may secret admirer ka? "
"Sino ba hindi ? Uhm, joke lang!" Nakasimagot kasi mukha kaya binawi ko kaagad.
"Klealyn, umayos ka." Banta niya sakin.
"Jess Amir ,nakayos na ko,tara na." Tinatawanan ko nalang siya habang palayo sa locker.
"Ang bilis ng araw.Anong oras ka nga pala magpupunta dito? Susunduin kasi kita."
"Hindi na.Ihahatid daw ako ni Tatay para saglit lang naman tayo bukas dito."
"Pero kahit na.Haay bakit ba kasi walang pasok bukas? Wala namang bagyo."
"Meeting nga ng mga Teachers,aalis kami ni Tatay bukas,hindi talaga ako magpapasundo sayo."
"Nakakalungkot."
"Magkikita tayo bukas ng gabi 'di ba? First date natin 'yon."
"Kaya nga.Gusto ko magkasama tayo maghapon."
"Hindi talaga kita mapagbibigyan."
"Oo na,basta bukas ng gabi.Ipapasundo kita Kay Kuya Driver."
"Okay!"
Nakasakay na kami ng kotse ng mapansin kong wala ang driver niya.
"Nasaan yung driver mo?"
"Wala.Hindi na niya ko pinagdrdrive."
"Bakit?"
"Sabi ko."
"Ahm,ano nga pala sabi sayo ng Mommy mo?"
"Wala naman,bakit?"
"Hindi pa rin ba niya ko gusto para sayo?"
"Wag mo siyang intindihin."
"Sana matanggap niya ko para sayo."
"Matatanggap ka rin niya.Hayaan na muna natin siyang mag-emote.Bet na bet niya si Leny." Sumimangot ang mukha nito.
"Okay." Hinawakan niya ng kamay ko."Hoy! Nagdrdrive ka! Mabangga tayo."
"Hindi 'yan ,sanay ako." Pinipigpiga nito ang kamay ko,ngiti nang ngiti kapag nakatingin sakin.
Narating namin ang bahay.Nauuna akong b.u.maba para pumasok,ngunit ng makapasok si Amir,may dala itong malaking kahon.
"Wow! Ano 'yan kuya Amir!" Tila nagningning ang mga mata ng kapatid ko.
"Ano 'yan?" Nagtataka kong tanong.Ibinaba nito sa lamesa namin.
"Isusuot mo 'yan sa First Date natin." Tugon niya
"Wow talaga kuya? Patingin!" Si Jomel naman.
"Jom! " saway ko rito."Bakit nagdala kapa ng ganyan? May damit naman na kong isusuot eh."
"Gusto kong iyan ang isuot mo bukas.Magpaganda ng sobra,nang mas lalo akong mainlove sayo."
"Gaganda pa ba si Ate?" Natataw.a.n.g sabi ni Jomel.
"Hoy! Sapak gusto mo?" Pananakot ko."At ikaw naman,pwede naman hindi na."
"Sabi mo nga sakin na First date mo 'to.Gusto ko lang naman maging maganda ang unang experience mo sa pakikipag-date."
"Kahit na.Magiging maganda naman ang gabi ko kung ikaw ang kasama ko."
"Ang cheesy nyo sobra ,grabe grabe!" Sabat ng kapatid ko.
Nagtawanan nalang kami ni Amir.Pumasok na ko sa kwarto ng makalis ito.Sinundan pala ako ng magaling kong kapatid.
"Ate,isukat mo na! Tignan mo na rin kung anong kulay."
Binuksan ko,may isang c.o.c.ktail dress na color light blue.Napaka simple lamang ng design nito ngunit mahahalata mong mamahalin ang tela.
"Ate,isukat mo na,baka masikip sayo iparepair natin kay Nanay."
Sinukat ko naman.Saktong sakto nga lang ang sukat kaya hindi na kailangang marepair.
"Ang gand--- ng damit, hindi ikaw."binatukan ko nga!
"Aray! Sino ba mag-aayos sayo?"
"Secret muna."
"Pabitin pa.Make sure na gaganda ka talaga ha?"
"Ewan ko sayo."
Kinabukasan, hinatid nga ko ni Tatay sa school.May ilang projects lang akong pinasa sa faculty ni Ma'am Faustino ,hindi na rin ako dumaan pa sa room namin dahil nagmamadali rin pala ang Tatay dahil may service ito ngayong araw.Ang ending, hindi kami nagkita ni Amir.Ibinaba nalang ako ni Tatay sa mall,'don ang usapan namin ni Blaze na magkita.
"Hi Klea! Kanina kapa?"
"Hindi naman."
"Ah okay! Tara na,nang maaga kang matapos."
Pumasok kami sa isang beauty parlor.Inasikaso ako ng dalaw.a.n.g beki sa hairdo, habang ang isa naman nag pedicure and manicure sa akin.
"Hindi nga pala alam ni Amir na magkasama tayo,wag mo babanggitin ha?"
"Ah bakit hindi mo sinabi?" Usisa ko.
"Ede sinuG.o.d niya ko ngayon kapag nalaman niya! Sikretong malupet itong pagpapaganda mo ha! Quiet ..."Nangingiti nalang ako sa mga pinaggagawa nito.
Saglit lang naman ang pedicure and manicure kaya na tuyo kaagad ito sa kamay at paa ko.Sa pagstraight lang ng hairdo ko,nag-umpisa kami ng alas otso ng umaga,natapos nang alas-singko ng hapon.Gutom na gutom ako.Mabuti natapos kami ,pinakain muna ko ni Blaze.
"b.u.magay sayo.Ang ganda mo na lalo Klea."
"Ganoon? Salamat ah?" Busy pa rin akong k.u.main.
"Wag ka masyado magpaka busog.May dinner date pa kayo mamaya ng soon to be boyfriend mo."
"Mamayang eight pa naman 'yon."
"Mabigat sa tiyan itong kinakain natin."
"Basta akong bahala.Uuwi pa naman ako sa bahay.Sama ka ba?"
"Hindi na.Kami ang mag-aayos ng venue nyo mamaya."
"Wow all around. Magkano sweldo mo??" Biro ko.
"One thousand per hour." Ang lintik nang tawa, ang lupet!
"Ang yaman mo nang sobra 'yan! Twenty four thousands ang kada araw mo ah? Naks.."
"Supportive cousin ako eh.Sa kahit anong kalokohan ay pabor ako."
"Wag sana sa pangbabae nyo gawin 'yan kundi--- hmmm."
"Mabait kami,at si Amir ang nangako hindi 'yon mapapako."
"Alam ko yon,teka nasaan nga pala siya ngayon?"
"Hindi ko alam,basta sabi niya gawin lang namin ang ipinag uutos niya."
"Hindi kasi siya nagtetext."
"Abala 'yon para mamaya wag kang mag-alala."
"Okay.After nito uuwi na ko ha? Salamat nga pala,wala man lang akong na ibigay sayo."
"Kiss lang ohhh...pwede na sakin."pilyo niyang sabi.
"Blaze... Ikaw talaga." Tuwa naman nito."Wag mong ipaparinig 'yan sa kanya,naku! lagot ka doon."
"Oo na,tara para makapag pahinga ka muna bago ang date nyo."
Hinatid niya ko sa bahay ngunit hindi na ito b.u.maba dahil nagmamadali na siya umalis. Pagpasok ko sa bahay, gulat na gulat sina Nanay at Jomel ,kasama sina Nixon at Clarissa.
"Umayghad Klea! Ikaw na ba yan??! " hindi makapaniwalang tanong ni Clarissa.
"Oo naman." Tugon ko.
"Ang ganda mo anak!" Puri ni nanay.
"Salamat Nay!"
"Ate,sana noon kapa nag straight ng buhok ,ede sana noon kapa nagustuhan ni Kuya Amir."
"Epal talaga ng kapatid ko." Tinignan ko si Nixon na tulala lamang sa akin.
"Bestfriend? Okay ka lang ba?"
"Ah,Oo naman."Hinila na ko ni Clarissa sa kwarto para make upan sobrang galing niya mag makeup,dahil mabilis lang kaming na tapos.Ala syete ng magbihis ako ng damit.Panay kuha ng litrato itong si Nixon sakin.Habang si Clarissa, nag day dreaming na magiging romantiko ang gabing ito.
"Iiwan ka muna namin para makapagrelax bago lumabas at magtungo sa venue nyo." Paalam nila sakin.
Isinara ko ang pinto.Humarap sa salamin,totoo ba 'tong nakikita ko? Ang ganda ko,sa straight hair , yung make up ko mas b.u.magay sa mukha at sa aking kasuotan.
Mula sa drawer ay kinuha ko ang maliit na bote na nag lalaman ng gayuma.Kailangang ngayon gabi ko rin mailagay ito sa kanyang inumin,kung hindi babalik siya sa dating nag susungit at mayabang.
Itinago ko ito sa aking maliit na hand bag.Hindi dapat mawala sa aking kamay ang hand bag na ito upang walang makakita ng kinatago-tago kong lihim.
Lumabas na ko sa kwarto.Lahat sila excited na makita akong palabas. Inalalayan ako ni Nixon tapos diretso sa kotse ni Amir.
"Good luck Anak!" Cheer ni Nanay.
"Ate,dahan-dahan sa pagkain ha? Nasa date ka behave lang OK!"
"Bestfriend ,Ibigay mo na yung matamis na OO ha? Alam ko namang matagal mo na itong pangarap."Si Clarissa
"Best,Good luck.Masaya ako kung ano ang magiging kalalabasan ng inyong date ni Amir."
"Salamat,salamat sa inyong lahat.Uuwi kami bukas ni Amir dito sa bahay.Mag-stay lang kami magdamag sa bahay nila Ma'am Faustino para i celebrate 'yung pagsagot ko sa kanya.Okay lang ba Nay?"
"Okay lang naman,basta yung bilin ko ha? Alam nyo na ang tama at mali."
"Yes Nay! Sige po,mauna na ko,naghihintay na ang Prince c
Charming ko eh.Byeeee!"
Sumakay na ko ng kotse at b.u.muntunghininga.Sobrang dinadaga na naman ang puso ko sa mangyayari ngayong gabi.